Chapter Seventeen

111K 3.2K 877
                                    

Musika's POV

"Ay, oo nga pala. Sorry naman."
Sumubo na naman ako ng napaka-sarap na Ice Cream Cake. Muntik pa 'kong mabulunan nang mapansin kong nakatutok lang sakin si Kenji.

Ay tungunu ganon ba ko kaganda koya? Heh. Napaka mo talaga, Mika. Baka may dumi sa bibig mo tsaka ang lakas mo kasing lumamon.

"May dumi ba ko sa mukha?"
Napatunganga lang ako sa kanya. Parang bumalik siya sa sarili niya at napatawa.

"H-Ha? Ah wala, wala. Hahahaha!  Na-realize ko lang..." Nag-isip-isip pa ang mokong. Na-curious tuloy ako. 

HAAAALAAAA ANG PANGIT KO BANG KUMAIN? 

Ayan ka na naman, Musika! 

"Na ano?" Na-realize niya ata na maganda talaga ako besh. 

As if... 

"Na ang bilis mong kumain." 

...

Parang nilipad ng hangin ang kaluluwa ko sa narinig kong sinabi ni Kenji. I mean, SHEEET NAKAKAHIYAAAA~! 

Hoy, Mika act like a lady nga! Not like a pig!

 Namumula na ata ako, grabe...

"Ah? Alam mo kasi..." Sumubo nalang ulit ako para di halatang kabado. Ang awkward kasi natatawa siyang nakatingin lang sakin. Sa totoo lang, real talk? Ang cutie ni Kenji.

"Masarap naman kasi eh. Syempre dapat lantakan kaagad habang di pa napapanis!"
Opo, para 'kong tangang nagsasalita dito at pinipilit na tumawa.

"Hahahaaha! Iba ka talaga, Mika. Grabe lang."
"Ang grabe, nasa ospital."

Tumawa lang siya nang tumawa. Ako? Kumain nang kumain. 

"Kumain ka na nga lang rin diyan. Dami mong alam eh."
Marami na nga kaming napag-usapan ni Kenji hanggang sa naubos na ang mga inorder.

"So, saan tayo next?" Tanong ko. Palabas na kami ng cafe.
"Anong oras na ba?" Tumingin ako sa relo ko.

"3 PM?"
"Tae ka. Yung movie!"

"Ay, oo nga pala! Sh*t, late na tayo. Baka wala na tayong maupuan."
Nanlumo ako bigla. Ba't ba kasi ang bilis ng oras eh. Ayoko pa namang umupo sa bandang baba kasi ang sakit sa mata! Tsaka hindi ko namalayan ang oras kakausap namin ni Kenji...

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko tapos tumakbo. Muntik pa 'kong madulas.

Ano to?! Runaway?!

"Ho-hoy, Kenj! Nakakahiya naman 'tong ginagawa natin!"

Di siya umimik at patuloy lang sa pagtakbo. Nanahimik na lang rin ako at tumingin sa daan. Ang layo pa naman pala ng Cinema mula sa cafe na pinasukan namin eh. Sana sa Dunkin' Donuts nalang kami pumunta kasi katabi lang. Binigay namin ang ticket at tumakbo na papasok ng Cine.

"Aaahh!" 

...

Di ko alam kung napatingin ba ang mga tao sakin kasi nakadapa na 'ko sa sahig. 

Di naman po kasi ako nakatingin sa hagdan! Tae naman kasi yung LED lights lang ang nasa steps!

"Huy! Tumayo ka na nga. Pinagtitinginan na tayo, o." Inabot ko ang kamay ni Kenji at bumangon.

"Ikaw naman kasi, nagmamadali ka. Ayan tuloy, di ko napansin ang hagdan. Alam mo namang madilim eh."

"SSSSHHHH!" 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now