Chapter Two

236K 5.4K 1.1K
                                    

Musika's POV

"Uy, goodluck pala sa sayaw niyo bukas. Galingan mo, okay?"

Medyo excited na akong pumunta ng ANHS bukas kasi for sure, maraming gwapo! Bukas kasi ay may contest sa Interpretative Dance at kasali ang school namin at doon gaganapin. Maraming taga-ibang schools kaya for sure...

BUSOG ANG MGA MATA NAMIN NITONG SI MELODY. HAHAHAHA! 

"Oo naman, ako pa! Tsaka ikaw ang photographer ko ha? Kunan mo 'ko ng maraming pictures!"

"Oo na. As usual." I rolled my eyes.

Hayy! Kapag itong si Medy kasi, pag nakabihis eh kailangan may pictures talaga! Sus. Matapos ang paglilibot sa mall, umuwi na rin kami. Kapagod kaya! Ayokong mabawasan ng fats noh. Hahaha! De, joke lang. Masakit na mga paa ko!

Pagkauwi ko, si Kuya nasa sala lang at naglalaro ng Xbox. Si Mama naman, ewan kung saan. Baka nakipag-hang out na naman sa mga Sis niya. Dumiretso na 'ko sa taas, sa kwarto ko at kaagad na nagbihis. Kinuha ko ang laptop ko at dumapa sa kama.

Makapag-Facebook na nga lang!

Di ako yung tipong upload nang upload ng mga selfies or nagpopost. Ako lang 'yong tipong like nang like. Eh nahihiya akong magpost ng mukha ko eh. Baka walang mag-like!

Pag papalit lang ako ng profile picture ay doon na 'ko magse-selfie. Syempre dapat maganda ako sa picture!

Anyway, ang dami kong crush. Kaya wala na 'kong ibang ginawa kundi i-stalk sila. Nakakainis pa nga eh. Yung iba, pag naga-update ng status at naka-tag pa ang girlfriend. Hmmmph!

Pwe! Tingnan niyo lang pag ako ang pumayat! Sisiguraduhin kong pipila kayong lahat sa labas ng bahay at yung Kuya ko naman ang taga-paypay ko. Mwahahaha!

***


"Ano, sabay ka na samin or susunod ka nalang?" Tanong sakin ni Melody.

"Mauna ka na. Susunod nalang ako. Tsaka, OP ako sa inyo noh. Baka pag-utusan pa 'ko ni Ma'am."

"Hahaha! Oo nga. O, cam ko!"
Inabot niya sakin ang DSLR niya't nakipagbesohan.
"Good luck, okay? Wag kang tatanga-tanga!"
"Di ako nagmana sayo!"

OUCH HA. 

Sumakay na siya sa van. Ako naman, bumalik na ng room at makikisabay nalang kina Jessa, one of our closest classmates.

"Tara na, mga bes!" Pumara kami ng taxi at pumuntang ANHS.

Let the hunting..... begin! 

***

(Aquamarine National High School)

Sa gate pa lang ay halata mo nang maraming mga studyante. Papasok pa nga 'yong iba eh. May nakita naman kaagad akong gwapo.
(Landi ko talaga hehe!)

Sheeesh~ di pa 'ko nakakapasok, parang mabubusog na 'tong mga mata ko. Sayang, kasali kasi si Melody eh. Kasama ko sana siyang mag boy-hunting!

Nagbayad kami at bumaba na. Inayos-ayos ko pa ang uniform ko pati buhok.

Ang ganda ko talaga!

"Ay wow ha, daming wafu..."
Bungad ni Chaldea at kinikilig pa. "Busog-lusog na naman tayo! Hihihi!"

Pumasok na kami ng gate at naglakad na sa hallway. All eyes on us. Sikat kasi ang school namin at kinaiinisan kasi lagi kaming nananalo at champion sa mga contests. Kasalanan ba namin 'yon?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon