Chapter Sixty

103K 2.2K 488
                                    

Musika's POV

"O, may lamay ka bang pupuntahan?" Bungad sakin ni Kuya nang magkasalubong kami sa hagdan.

"Debut ko!"
"Kanino galing 'yang mga yan?"

Hindi ako sumagot at napangiti nalang ng sobrang lapad.

"Stop making funny faces."
"Admit it. I'm cute."
"Yeah. Like a monkey."
Pinitik niya ang noo ko.
"Ittai--! I hate you." (Ouch!)
"Oh yeah, thanks."
"Shut up."

"Sa ugok na yun na naman ba nanggaling yan?"

Haaayyy... Si Kuya nalang talaga ang problema ko ngayon. Mukhang di pa siya nadala sa Pizza eh. Huhu!

"Kung makaugok naman 'to!"
"Ma oh! Si Mika natuto ng lumandi!"

Sigaw niya bigla, buti nalang di narinig nila Mama.

"Ssshhh! Grounded ako." Bulong ko sa kanya.
"Baka naman kung anu-ano na ginagawa ng hayop na yun sayo ha? Malilintikan ka sakin. Kakalbuhin talaga kita."
I glared at him.
"Mabait si Trystan. He's sweet."
"Aaahhh... Mabait."

"Eh ikaw? Ni wala ka ngang girlfriend!"
"Hah! As if I care."

Duh! Bitter!

"Baka mauna pa 'kong magka-asawa sayo eh. Hahahaha! Mag pari ka nalang!"

"Whatever. Yung malaking stuffed toy dun sa living room, sa kanya din ba galing?"

"Yup!"

"Ew. You smile like a dog." Bumaba na siya ng nakapamulsa.

"Heh! Pajama boy!"

Itinaas niya ang kamay niya forming a "w" on his fingers which means "whatever".

February 3, 2016...

Tinawag ko ang isa sa mga katulong namin at nakisuyo na ilagay sa malaking vase ang mga roses at ipasok sa kwarto ko. Sobrang nakakatuwa silang tingnan. Feeling ko, ako na ang pinakamagandang babae sa mundo.

Trystan never failed to make me feel this way...

***

Nag meeting kami para sa up-coming Intramurals ng school at kami ni Trystan ang contestants ng Class A. May two weeks pa naman kaming preparation.

Sh*t, di pa naman ako marunong rumampa at wala parin akong self-confidence. May training naman raw kami simula bukas.

Ni hindi ko nga alam kung papayagan ako ni Mama because I'm grounded. Ewan ko lang kung papaano ko siya mapa-oo. Kailangan kong magpatulong kay Kuya to convince her. Si Papa, di pa rin niya alam. Mas lalong hindi siguro papayag yun.

Buti nga eh para makaatras ako. Ayoko talagang sumali eh. I don't wanna get that much of attention. May stage fright ako pag ako lang mag-isa. Unlike sa pagtugtog ng banda dahil marami naman kami.

Well, Trystan's with me syempre kaya medyo panatag ang loob ko. Sana lang talaga, makayanan ko man if ever matuloy ako sa pageant. This is a big achievement for me... Ang mapili bilang contestant. The fact na first time ko and all I felt way back with my old self was just a bunch of insecurities, bullying and self-distructions.

Di ko lang talaga maitago yung feeling na kaya na nila 'ko nagugustuhan ngayon ay dahil sa payat na ako ay gumanda.

"Nako, girl for sure ikaw ang panalo! Bukod sa ganda ay matalino at talented ka pa! 3-in-1 ka kaya, bessy noh. Tsaka andito kami para mag-cheer ng bonggang-bongga!" Natutuwa nalang ako sa sinabi ni Jammie.

"Oo nga, Mika. Andito kami. Asahan mong may makikita kang malalaking pompoms mula sa stage!" -Jessa

"Thank you talaga for your never-ending support, mga bestfriends ko."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon