Chapter Five

170K 4.3K 667
                                    

Musika's POV

"O, ayan sissy ha. Naibigay ko na number ng labidabs mo." Niyakap ko siya ulit at saka nakipagbesohan. 
"Thank you so, so, so much sis! Lablab! Muah muah tsup tsup!"

Natatawa naman siyang kumaway sa amin ni Medy habang lumalakad na paalis. Babalik na kami ng school.

"Yun ba yung Russel? Ewww, ha." Napatingin naman ako at napasimangot sa sinabi ni Melody. "May sight problem ka na ata chi ha."

Nga pala, "chi" ang tawagan namin netong si Melody. Kasi sa Japanese, "Tomodachi" means friend. At shortcut 'yan kasi ang haba naman pag kinumpleto mwehehe. 

"Real talk nga kasi noh. Di naman siya kagwapuhan." Sabi niya ulit.
"Eh ano bang gwapo para sayo ha?"
"Chinito, maputi, tsaka smart!" I rolled my eyes. Hay nako.
"Eh nerd naman tipo mo eh. Dun ka sa Korea or sa Japan or maybe in China maghanap."
"Yun naman ang totoong description ng gwapo noh. Take note pa, mabait!"

Oo na, Mel. Psh. Gwapo parin naman talaga si Russel ko eh, hihihi!

"Okay, okay whatever. Magkaiba tayo ng taste noh, hahaha!
Nakalabas na kami ng school nila at pumara na ng taxi.
"San tayo, chi?" Tanong niya. 
"Malay. Basta gusto kong tumambay." Bored na ulit ako. 
"Okay. Kuya, padaan na lang po kami sa Aquamarine Academy kukunin lang po namin yung mga gamit namin."
"Sige po, ma'am."

"Chi, pakuha nalang kaya natin mga bag natin? Nakakapagod umakyat ng fourth floor eh." Nakanguso kong sabi kay Medy. Sa ilang taon ba namang pag akyat-baba ko sa building na 'yon ay hindi parin ako nababawasan ng fats. . 

"Okay, fine. Wait, tatawagan ko muna si Kenji." 

Si Kenji ang nag-iisang close friend namin sa senior. Mabait naman kasi talaga siya eh. Gentleman pa. Ops! One of the campus heartthrob 'yon! 

Tinawagan niya si Kenji at di nagtagal ay hinatid niya naman ang bag namin.

"Thanks, Kenj. Muah!" Nag-flying kiss pa 'ko sa kanya at saka kami nagpaalam.

"Ang bait niya talaga as ever, chi noh?" Kumento ko naman. 
"Kaya nga love na love ko yun eh."

Oo, crush niya si Kenji since Freshman year. Hahaha!

Napahaba pa ang pag-uusap namin sa loob ng taxi kasi traffic. Wala namang problema sa babayaran eh. Hati naman kami ni Medy.

"Ma'am, saan po tayo?" Ay gagi, di pa pala kami nakapag-usap tungkol sa tatambayan namin. Pfft~ 
"Ay, oo nga pala! Chi, san tayo?" 

"Mall nalang. Gusto kong mag-starbucks or arcade." Dun nga ang punta. Nauna muna kami sa arcade at naglaro ng bump car. "Iisa tayo or isa-isa?"

"Isa-isa nalang noh. Gusto kong makapag-solo!" Kumuha na kami ng ticket at saka naglaro, naghabulan, nagbanggaan at ang ingay namin sa loob. Mukha kaming mga baliwng nakatakas sa kulungan.

May gwapo pa nga akong nakita eh. Kaya lang kasama niya ata ang syota niya. Banggain ko rin kaya? Joke lang! Walang-wala naman sa beauty ko yung girl eh! Charot lang.

AANHIN ANG KAGANDAHAN NG KATAWAN KUNG DI NAMAN AKO KAMUKHA? HEHEHEHE...

Sinenyasan ko si Medy na mag-drive palapit sakin pero nagdalawang-isip pa ang siya kasi raw baka banggain ko siya. Buti nalang na-convince ko parin kahit papaano.

"O, ano?"
"Nakita mo 'yang naka-white na cute guy kasama girlfriend niya?" 
Lumingon-lingon naman si Melody.
"San ba? Shunga, eh ang dami!"

Napa-face palm nalang ako. Oo nga, maraming naka-white. "Ah, basta! Yung pinaka cute!" Lumingon-lingon pa siya and I think nakita niya naman.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now