Chapter Sixty Seven

82.9K 2.2K 1.1K
                                    

Russel's POV

"Russel!"

Pareho kaming napalingon ni Rizumu at---

"P*tang i*a mo! Talunan pala gusto mo, ha?!"

Pinagsasabi ng gag*ong 'to?! Bumangon ako at gaganti na sana nang humarang si Rizumu.

"Ano bang ginagawa mo, Trystan?! Pwede ba, umalis ka na!"

Hinawakan ko ang labi kong dumugo at p*tang i*a nanggigigil ako!

"Wag kang makialam dito, please lang."

P*ta! Loko 'to ah! Ano bang pake niya samin?! Ang alam ko, nagkabalikan na sila ni Melody kaya dapat wag na siyang manggulo!

"Eh g*go ka pala eh!"

Sinuntok ko rin siya sa mukha at napaatras siya. Ngumisi ako at p*ta di ko inasahang susuntok uli siya. Tinadyakan ko siya sa tyan.

Hindi parin pala nagbabago si Trystan pagdating sa ganito, p*ta ang hirap niyang patumbahin!

"Russel, Trystan! Tama na yan please!"
"TAMA NAAAA!"

Natauhan ako bigla nang marinig ang malakas na sigaw ni Rizumu at umiiyak siya.

Nakatingin lang kaming pareho kay Rizumu kaya bumangon na ako.

"Pare, alam mong naging girlfriend ko 'yan pero t*ngina, traydor ka pala talagang hayop ka!"

Nilingon ko si Trystan.

"Ano bang ikinagalit mo, ha?! Eh iniwan mo na naman siya, diba? Ba't ka nagagalit ngayon kung sakin na siya masaya? Kasalanan ko ba? T*ngina neto, kala mo kung sino eh!"

"Kaibigan kita pero tinalo mo 'ko?"

"Hindi kita tinalo, ulol! Iniwan mo siya kaya kasalanan mo rin naman!"

Tumahimik naman siya at pinagmasdan si Rizumu.

"Tama na, please? Wag na kayong mag-away... Ayokong may nag-aaway sa harapan ko... Please."

Nilapitan ko si Rizumu at pinunasan ang mga luha niya gamit ang panyo ko.

"Tahan na, Richan... Sorry, sorry di na mauulit. Pasensya ka na. Nadala lang ako---" Bigla kong narinig na tumawa si Trystan.

"Richan? Nagpalit ka na pala ulit ng pangalan, Mika?"

Nagpalit ng pangalan?

Mika?

"Teka, p*ta anong pinagsasabi mo dyan?"

Napipikon na 'ko sa tawa niya kaya kinwelyuhan ko siya. Gagong 'to?!

Anong ibig niyang sabihin?

"Wag ka ngang makialam dito! Wala na 'kong pakialam sayo!" Inawat kami ni Rizumu.

"Ganun ba? Pero sa KAIBIGAN kong si Russel, may pakialam ako eh..." Tumatawa siya ulit.

"Pre, hindi Rizumu o Richan ang pangalan nyan." Dagdag niya. Handang-handa na akong suntukin siya ulit.

Ha?

"T*ngina eh ano?!"

"Wag ka sabing makialam eh!"
Tumayo si Rizumu at tinulak si Trystan.

"Bakit? Ayaw mo bang masira mga plano mo?"

"Plano? P*ta, anong plano pinagsasabi mo?!" 

"Musika ang pangalan niyan, pre. Musika Mashima. Para may alam ka. Ge."

Kinuha niya ang bag niya at iniwan kami.

Musika?

Tiningnan ko si Rizumu. Nakayuko lang siya.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz