Chapter Eight

114K 3.5K 532
                                    

"Tara, dumaan tayo sa harap nila." Pag-aaya ko. Gusto ko kasing mapansin niya ang beauty ko eh. CHAROT!

A-S-A!

"Sus. Pakipot. Daan lang? Tambay tayo!" Aba at tumayo na siya! Baliw. Sus, kung ganyan lang ako na chic tulad ni Melody noh.
"Parang close naman tayo sa kanila noh?"
"Gaga, kilala ko 'yang isa dyan. Si Kervin!"
"O, edi wow?" Binatukan ba naman ako ng babaeng 'to. Hinatak niya 'ko papalapit sa kanila.

"Hi Kervs!" Bati ni Medy sa Kervin. Inpeyrnes, gwapo siya.
"Oh Medy! Ba't ka nandito?" Napatingin sa amin ang buong barkada niya kabilang ang aking prins tsarming.

"Bakit ka rin nandito?"
"Loka ka talaga kahit kelan. Hahaha!"
"Eh kasi tinatanong ba naman ako kung ba't ako andito eh. Bakit, sa'yo ba 'tong park ha?"
Pang-aasar ni Melody. Mana sakin 'tong babaeng 'to na may sense of humor. 

"Nagtatanong lang naman. O, yan ba yung bestfriend mo?"

Medyo kinabahan ako kasi sa akin na naman sila nakatingin. Hinatak ko si Medy at lumayo mula sa kanila. "Chi... di pa ako nakikita ni Russel sa personal, wag mong sabihin name ko!"
Galit na bulong ko sa kanya.
"Nge. Bakit? Ayaw mo pa nun? Makikilala ka na niya? Who knows, maging close pa kayo."
"Ayoko, baka kasi ma-turn off siya."
Lungkot kong sabi. Alam ko naman kasing ang tipo ng mga tulad ni Russel ay mga SEXY at FIT plus MAGANDA.

"Hay... Okay, Aica nalang ang ipapakilala ko sa kanila."
Nag-like sign ako at bumalik na kami sa kanila.
"Sorry, may nagtext kasi. Si Aica nga pala, guys."
"Hi Aica. Kervin nga pala." Inabot ko ang kamay niya para makipag shake hands.
"Hello. Aica."

Jusko, nakakahiya sa kanila.

"Aica, pahingi naman ng taba, o?" Napatawa silang lahat.

Namula ata ako bigla sa sinabi niya. Kailangan niya ba talagang sabihin yun sa harap ng mga tropa niya? Sana lamunin nalang ako ng lupa. To think na ngayon lang kami nagkakilala ah! Mga tao talaga, paano ba kayo lumaking sobrang naging insensitive?! 

"Baliw ka talaga, Kervs. Sige ka, pag ito nagalit kakainin ka neto!" Asar rin ng isang kasama nila.
"Owshi--- kainin mo ko, Aica. Please!" Mas natawa silang lahat. "Manyak ka talaga, pre!" 

Nainis ako bigla . Nakakahiya tuloy kay Russel! Pinagtatawanan na nila akong lahat.

KAINIS! AISH!

"Kung pwede lang talaga Kervin eh. Ibibigay ko pa 'to sayo lahat! Sayong-sayo na 'to."
Natawa naman siya.
"No thanks, baka walang ma-attract sakin eh. Hahaha!"
Alam niyo ba yung feeling na parang paiyak ka na sa sobrang hiya at inis...
"Hay nako, chi. Wag ka ngang maniwala sa unggoy na 'to."
"Hahaha! Joke lang naman 'yon. Tropa tayo dito."

"'Anong joke ka dyan? Ganyan ka ba sa mga babaeng kakakilala mo pa lang ha? Kaya di nagtatagal sayo mga naging jowa mo eh. Pangit kasi ng ugali mo." Sinuway siya ni Melody. Ooops... Bestfriend alert!

May sumingit sa amin.

"Ehehem! Pakilala mo naman kami brad! T*ng*na, parang poste lang kami dito eh."
Sabi nung nakasuot ng eye glasses. Gwapo rin siya. Well, lahat sila gwapo.
"Nga pala, hahaha! Mga tol, si Melody tsaka friend niya, Aica." Ngumiti nalang akong parang walang nangyari.

"Hi, Melody. Russel nga pala."

Inabot ni Russel ang kamay niya kay Melody.

Opo, si Russel Tanaka po na kasalukuyang crush na crush ko. Hindi niya po ako binati. Si Melody lang. Ang saya ko po ngayon. Sana naging hakdog nalang ako. 

"Hi." Walang ganang pagsagot ni Medy sa kanya. 

BLEEEEH!

"Chi, uwi na tayo? Mag-gagabi na o." Pag-iinterrupt ko.
"Ah, oo nga pala. Sige Kervs, uuwi na kami. May curfew eh."
"Hahaha! Sige, next time nalang. Bye! Ingat."
"Sige. Bye!"

Nginitian ko lang sila. Okay, parang hangin lang ako dito. Sanay na 'ko. Tss.

RUSSEL TANAKA, TANDAAN MO 'TO.

PAG AKO PUMAYAT, "HU U" KA SAKIN!'

***

Russel's POV

"Tol, pengeng number nung Melody." Sabi ko kay Kervin habang nilalabas ang cellphone.
Ang ganda nung Melody p*t*!
"G*g*. Sasali mo na naman sa collections mo?" Natatawang sabi niya at binigay rin naman ang number.
"Di ko sure kung active pa yan ah. Try mo lang tol."
"Ang ganda nun, tol! Pang angkas sa motor. Hahahaha!" Sabi ni Karl.
"Heh. Yung Aica sayo na. Hahahaha!"

Nagtawanan kami sa sinabi ni Luis.

"Maganda rin naman yun tol ah? Ang cute nga ng mga mata." Sabi naman ni Yael.
"Eh di yung mata sayo na! HAHAHAHA!"
"Pero seryoso mga tol. Pag pumayat 'yon panigurado sobrang ganda nun. Parang k-pop yung beauty eh. Chubby nga lang."
"Baka Chinese rin yun. Half kasi si Melody." Sabi ni Kervin.
"Put*! Eh di wow! Hahahaha!" Bungad naman ni Karl.
"Basta sa ngayon, yung Melody ang sakin. P*ta tol pag napasagot ko yun tol sagot ko rin lahat sa inuman!"

Talagang pasasagutin ko 'yon, hoy! Wala atang babaeng binasted ako eh. Sa mukha kong 'to?

"Paano pag hindi? Liligawan mo yung Aica?"

"HAHAHAHAAHAHA! P*t* tol, wag nalang! Sayo nalang yun!"

T*ANGIN* WAG NALANG!

"Wala ka pala eh. Ang hina! Siguradong sasagutin ka kaagad non sa loob lang ng isang segundo!"

"O sige ba. Yun ay pag binasted ako nung Melody!"

"Call! HAHAAHAHAHAHA!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now