Chapter Thirty Eight

97.7K 2.9K 356
                                    

Musika's POV

Sunday, 7:08 AM

Di ako tumitigil sa pagtakbo sa Treadmill.

Di ako titigil hanggang sa di ako mahihimatay...

Di ako titigil...

Ayoko...

Wala akong pake kung mawalan ako ng hininga.

Wala akong pake kung mangangawit ang mga paa ko. Kahit masakit, pipilitin ko hangga't kaya ko pa.

Hah... hah...

Kaya mo 'yan, Mika. Kulang pa nga 'yan sa mga pang-aaping natatanggap mo. Kulang pa 'yang tinakbo mo.

Nararamdaman ko nang sumasakit na ang mga paa ko pero ayoko...

Di ako titigil.

"Let's hang the jury!
You sick judgmental f*ols!
I'll bury you six feet deep!
So tired of your rules!

F*ck you and your opinion!
How could you be so blind?!
What goes around
Comes back around in time!

You don't know sh*t!
You don't know sh*t about me!
You don't know sh*t, sh*t, sh*t!
Don't know a godd*mned thing about me!"

Fck, sumabay pa ang paborito kong kanta ng Sleeping With Sirens. Mas lalong namo-motivate akong tumakbo.

Naaalala ko lahat...

"Oy, Mika-chan! Sono sudenide jubun!
(Tama na nga yan!)

Di ko siya pinansin at patuloy lang sa pagtakbo.

Pinatay niya ang music.

"Oy!"

"Oy, Mika-chan." 

Nabigla ako nang hatakin niya 'ko. Na-out balance ako at napaupo sa sahig, umiiyak.

Ewan ko ba kung ba't ako naiyak.

Sa lakas ba ng pagkakahulog ko, sa sakit ba ng mga paa ko, o sa sakit ng nararamdaman ko?

Di na 'ko makahinga...

"Nanda ittai soreba ni arimasu!"
(What the fuck is into you?!)

Inabutan ako ni Kuya ng tubig pero patuloy parin ako sa pag-iyak at paghabol ng hininga ko.

...

***

Melody's POV>

"Uy, balita ko si Musika naospital daw?"
"Oo, may nakakita raw sa Kuya nyang pumunta sa faculty eh. Ang gwapo nga, sobra."

"Si Masaru?!"

"Yes, girl."
"OMG! Marami kaya kong pictures nun here sa phone ko. Ang gwapo niya kasi talaga. Kaya nga gusto kong maka-close si Musika para naman makapunta ako sa bahay nila eh."

"Whatever."

Blah blah blah.

What the hell do I care?

Pero, I wonder kung ba't naospital yung babaeng yun?

Duh...

Karma na yun sa kanya noh.

"Ba't raw naospital si Musika?"
Tanong ko sa katabi ko.
"Sabi nila, over fatigue raw. Binisita nga nila Jessa yun ngayon eh. Ba't di ka kasama?"

...

"Ah? Di ko naman kasi alam eh...?"
"Ahh..."

Di pa pala alam nitong katabi ko na war kami nun? Everyone knows na nga eh. I

*bzzzt!*

Hey :)

-Russel Tanaka

Whenever his name pops out on my phone, my mind automatically thinks of Musika...

I shouldn't be reminiscing things between me and her. Duh? She started it. She made all of these. Tinatapos ko lang.

Tiningnan ko ang relo ko at may 30 minutes pang natitira for the next class.

***

Musika's POV

"Babae ka!" 

"Ano bang ginawa mo at nagkaganyan ka, ha? Mika naman ehh..."
"Pinag-alala mo kami ng sobra, alam mo ba yun? My God... What's gotten into you?"
"Ba't mo naman inabuso sarili mo? I mean, grabe di mo naman kelangang i-push talaga ng bonggang-bongga kung di mo na kaya!"
"Loka-loka ka talaga, Musika kahit kelan! Ano ba naman ginawa mo sa sarili mo..."

Ayan, ang ingay-ingay nila pagkapasok na pagkapasok pa lang nila dito sa room ko ay ganyan na agad ang bungad nila sakin. Di man lang inisip na natutulog yung yaya ko sa gilid.

"Sorry, pero... I got frustrated. I guess? "
"Frustrated?! God, Mika. Don't let your emotions ruin your health! Oo, alam namin ang feeling ng ma-frustrate pero matuto ka ring kontrolin ang emotions mo. Mika talaga." Galit na sabi ni Chaldea.

"Imbis na payat eh patay naman pala gusto mo eh."

Natawa ako sa sinabi ni Jessa.

"Guys, sorry talaga napag-alala ko kayo..." Naiiyak na naman ako.
"Hoy ayan ka na naman, ha! Nako, uuwi nalang talaga kami!"
"Hahahahaha! Joke lang! Kasi naman eh..."
"Mika, please wag mo nang uulitin 'yan ha?" Hinawakan ni Jessa ang kamay ko.
"Opo. Di ko na 'to uulitin."
"Kami na talaga papatay sayo pag inulit mo pa! O."

Nilagay ni Chaldea ang basket na puno ng mga paborito kong prutas.

"Thank you! Nag-abala pa kayo."
"Sus. Bayaran mo yan. Tig 200 rin pinaghatian namin dyan, ha."
Biro ni Joyce.
"Hahahaha! Wala akong cash!"
"Joke lang!"
"Kelan ka raw makakalabas?"
"Bukas na."
"Buti naman. Haaayyy! Lahat talaga nagulat kung ba't ka raw naospital. Healthy ka nga raw kasi hahaha!"

Napatingin kami sa pintong pabukas pa lang.

"Ah." Si Kuya muntanga lang ulit.
"OMG, ang gwapo niya sa malapitan...
Kilig na bulong ni Jessa.
"Good afternoon, Kuya."
Bati nila sa Kuya kong kakapasok lang.

"Ah. Good afternoon rin."
Nag bow si Kuya at ngumiti. Sus nagpapa-cute ang kupal. Alam niya kasing kababaliwan siya ng mga 'to.

Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'to.

Oh sh*t Mika. Ang fugiiii ng kuya mooooooo! Pengeng number nito huhuhu try ko kung makakaya ng kamandag ko! Tae hahahaha! Joke lang! Anubaaa!

-Chaldea

Natawa ako ng malakas.

"Baliw, o." sabi ni Kuya.
"Heh!" Binato ko siya ng unan. Tinapon niya naman 'to pabalik sakin. Muntikan pa ngang matumba ang stand ng dextrose ko. Amp!

Tumawa-tawa lang si Chaldea na parang walang nangyari. Sige Kuya, ikaw na yung pinaka gwapo. Ako na ang pangit na kapatid!

"Okasan wa Otousan to anata no tame no shokuhin o kaimashita." (Bumili si Mama ng pagkain mo kasama si Papa)

"Sou. Kimi wa karera to issho ni imashita ka?" (Okay. Sumama ka ba sa kanila?)
"Iie. Okasan wa watashi o tazunete mimashita" (Hindi. Nag text si Mama)
"Souka." (Ganun ba?)

Umupo siya sa gilid ko at naglaro sa PSP niya.

Napatingin ako kina Joyce na nakatunganga lang samin na nag-uusap.

"Hahahaha! Sorry naman, secret language namin yun!"
"May naintindihan ako sa sinabi mo." Sabi ni Chaldea
"Ano yun?"
"Suka!" 

Natawa ng sobra si Kuya.

"Hahahaha! Souka, you mean? It means 'I see'!" sabi ni Kuya.
"Ay? 'I see' pala yun? Sorry hahaha!"

Mga baliw talaga.

Kahit na nawalan ako ng isang kaibigan? Worth it din naman! At least pinalayo sakin ni Kami-sama ang mga taong hindi para sakin. May mas mahigit pa pala sa kanya. Tatlo pa! Ay, isali niyo nalang rin si Kuya, Kenji at Eazer.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon