Chapter Fifty One

101K 2.5K 474
                                    

Musika's POV

"Akala ko sobrang strict talaga ng Dad mo. Pero parang gusto niya na akong suntukin eh."

Natawa ako sa kanya. Hawak-hawak ni Trystan ang dibdib niya at naglalakad kami ngayon papuntang gate. Ihahatid ko siya sa labas eh.

"Buti naman at nagustuhan ka ng parents ko. May dala ka sigurong anting-anting noh?"
"Hahahaha! Tibay at lakas ng loob lang. Ganun ka powerful ang love ko sayo." Pabiro ko siyang sinampal sa pingi. Kung anu-ano sinasabi. Hahaha!

Nakarating na kami sa gate at bigla niyang niyang nilapit ang mukha niya sakin.

Wait...

Hinalikan niya ako sa pisngi. 

"Alis na ako... Good night?"

Ano ba... Parang ang init ng pisngi ko.

"A-Ahahaha! Si-sige... Ingat ka pauwi. Ano... Salamat... Good night!"  

Sumakay na siya sa motor niya at umalis na. 

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Trystan Calling... 

"O?"
["I love you... Hahaha! Sige na, good night."] 

Call ended. 

"Yiiiieeeee! Hahaha!"
Kinikilig ako. Ano ba!

Nakita ko si kuya guard na nakangiti ng malapad sakin.
"Good night, Kuya!"
"Good night, Miss."

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Kuya mula sa pintuan ng kwarto niya.

"Nani?" (What?) Tanong ko sa kanya.

At kanina pa siya mukhang wala sa mood ah. He didn't even greet Trystan. Hindi man lang siya nagpakilala o ano. So rude!

"I don't like that guy. Layuan mo siya."

EH?!

"Why? Kuya, ang KJ mo. What's wrong with you? Ayaw mo bang masaya ako?"

Lumapit siya sakin at hinatak ako papasok ng kwarto ko. Bigla niyang hinubad ang shirt niya.

"What are you doing?!"

Tinuro niya sakin ang isang malaking scar sa dibdib at parang nahiwa ng isang kutsilyo or blade?!

"Nani kore?!" (What the hell?!)
"Sssshhh!"
Tinakpan niya ang bibig ko. 
"San mo nakuha 'yan? Sinong gumawa sayo nyan?!"

"Sino pa? Hulaan mo."
"Baka yarou. Isusumbong kita kila Mama, sumasali ka pala ata sa gang fight eh."
"Edi isumbong mo. Para hindi mo na makita yung lalaking yun."

Huh? What is he talking about?

"Do iu imidesu ka?!" (Anong pinagsasabi mo)

"Yung lalaking nanliligaw sayo."

ANO?!

"H-Hontou...?" (Really?)
"Hindi mo pa nga siya kilala, nagpaligaw ka na agad?"
"Chigau yo... Uso da..." (Hindi. Sinungaling!)

"Do you think I'm lying? Why would I do that? Stop being an idiot."

"E-Eh bakit... Papaano..."

Napaupo nalang ako sa kama. Para akong nabibingi sa mga sinasabi ni Kuya.

"Nagkaroon ng malaking gulo nung natalo namin sila sa isang tournament."

Just don't trust him, okay?
Naalala ko ang sinabi ni Chris sakin. Alam niya dahil nandun rin siya. Bakit hindi niya sinabi agad sakin ang lahat? Bakit kailangang kay Kuya ko pa malaman?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon