Chapter Fourty

103K 2.9K 153
                                    

Musika's POV

"Wow! This is a record breaking! You lost exactly five kilos in just ten days, Miss Musika!"

Sobrang nagulat ako sa sinabi ng Trainer ko when she finished checking my weight. 

I can't express how happy I am!

Sobra... Take note, lumuluwag na yung mga sinusuot ko. Yung uniforms ko, shorts, shirts, even my undergarments! Sobrang di ako makapaniwala. Sana tuloy-tuloy na talaga to, Kami-sama!

"Oh my gosh, thank you po talaga for training me... Itutuloy ko pa 'to. Sana nga tuloy-tuloy na po."
"Nakayanan mo nga yung first ten days, Miss eh. Siguradong makakayanan mo na naman ulit. Talagang go lang nang go!" 

Nakangiti akong lumabas ng center habang iniinom ang tubig kong may hinalong tea which makes me sweat at laging naiihi. Nagde-detoxify nga raw kasi ako gawa ng mga iniinom ko. This is hella amazing! Parang magic!

"San ho tayo, Miss?" tanong ni Manong Driver. 
"Sa Mall po." 

Oo bibili ako ng mga bagong damit na kakasya na sakin kasi loose na yung iba eh. Tsaka baka kakasya na yung ibang natitipuhan kong damit.

Finally!

***

Tatlong damit lang naman binili ko. Tapos namili na rin ng mga bagomg dating na accessories.

Kanina, di ko maiwasang maalala yung pag bumibili ako ng mga damit o anything na girly stuff na kasama ko si Melody. 

Nakakamiss, oo. Di mo naman talaga maiwasang maisip yung taong kinasusuklaman mo na ngayon eh.
Hay nako...

Umakyat ako sa rooftop ng mall.

Alam niyo yung awkward? Yung pagkadating na pagkadating mo sa taas eh halos couple lahat ang nakaupo sa kahit saang parte ng area. Tapos ako? Ayun, naglakad nalang at naghanap ng place na di ako out of place. Mahangin kasi dito tapos ang sarap magmuni-muni. Kita mo ang city lights.

Ano kayang feeling ng may boyfriend na kasama mo sa malls, kahit san ka gagala? Ano kayang feeling nun...

Pinagmasdan ko ang mga couple sa paligid ko.

May mga kumakain, nagsusubuan, nagtatawanan, nagbubulungan sabay tawa ng pa-cute tapos nag-aasaran, may nagseselfie, may nagyayakapan, at nag-uusap na parang may pinagtatalunan. 

Isang couple lang ang talagang nainggit ako.

Yung babaeng hawak na malaking-malaking red teddy bear na almost life-sized na sya at yung guy ay may hawak na bouquet. Nakakainggit. Ano kayang feeling ng ganun? :( 

*riiiing! riiing!*

Eazer calling...

Ba't siya tumatawag?

"Hello?"

["Oy, asan ka?"]

"Nasa Aqua Mall sa Peak. Bakit?"
["Ikaw pala talaga yung nakita ko Kanina. Nasa net cafe ako, nagbabantay. Puntahan kita dyan."]
"Ah.. eh... Sige, ikaw bahala? Basta tumawag ka nalang kung nakarating ka na."
["Okay."]

Call ended. 

Tadhana ba 'to? Charot lang. Sila pala may-ari nung net cafe sa 5th floor nitong mall.

Ayan ka na naman, Musika eh... Binibigyan mo ng meaning ang lahat ng bagay. Ang hilig mong umasa! Umaasa ka tapos masasaktan at madi-disappoint ka sa huli. Nagmumukha kang buang! 

*riiiiiiiing! riiiiiing!*

Sinagot ko agad ang call. 

"Po, po Master?"
["Heh. Nandito na ko sa may bridge"]
"Eh?! Sa bridge talaga? Baba ka dyan, nahihiya akong pumunta dyan. Nasa gitna eh."
["OA. Sige na bilis."] 

"A---"

Ay bastos, binabaan agad ako. Grrrr!

*toot toot toot toot*

Napaka-bossy! Di ko kaya siputin? Wahahaha!

"Oy!" 

"Ay, grabe ang laki talaga ng mga mata mo noh? Nakita mo agad ako?"
Asar ko sa kanya nang makalapit ako. 
"Hindi. Malaki ka lang talaga kaya nakita kita agad. Duh."
Sinimangutan ko siya't pinalo-palo sa puwet.
"Hahahaha! Joke lang! Wag ka kasing nang-uuna." Binelatan niya 'ko. 
"Heh. O, ano na? Ba't mo ko pinapunta?"
"Nakita kita kanina nung nasa escalator ako. Akala ko namalik-mata lang ako kasi parang..."

Tiningnan niya 'ko from head to toe. "pumayat ka ata? O baka doppelganger ka lang ni Musika?" Tumawa siya.
"Hulog kita sa tubig eh."
"Libre mo nalang ako. Naiwan ko wallet ko sa condo."
"Eehh?! Sorry pero nililibre ko lang mga ka-close ko."
"Yun bang tulad ng mga tatraydor sayo? Heh."

Nawala yung ngiti na pumuporma sa labi ko. Tama nga naman...

"Ang harsh mo." Ngumiti sya. 
"Malay ko bang matatamaan ka."
"Heh. Sinisira mo naman araw ko eh."
"Libre mo na kasi ako. Promise, babawi ako next week."
"Seryoso?"
"Oo nga. Gutom na 'ko. Nag away din kasi kami ni Dad kaya umalis agad ako ng bahay."
"Bleh. Buti nga sayo. Sama mo kasi."

Naglakad na kami at bumaba. Nag-iisip pa 'ko kung saan kami kakain.

"Ano bang gusto mong kainin?"
"Hmmm... Teka." 

Nauna siyang maglakad at pumasok sa restaurant.

Ngumiti siya ng napakalapad sakin at parang nang-aamo. Kinuha niya na ang menu na inalok ng waiter sa labas kaya wala na 'kong choice. Ang laki na ata ng nagastos ko ngayon ha tapos dito niya pa ako dinala. Hmph!

"Ang dami mo namang inorder." 
"Gutom ako. Wag kang ano."
"Sure ka bang milk shake lang sayo? Di ka na ba kumakain ng rice?"
"I count my calories eh. Alam mo bang one thousand three hundred sixty lang ang pwede mong i-take na calories per day? Ang isang burger ay six hundred calories na yun!"

Tumawa siya at napahawak sa bibig niya. "Is that you, Musika? Ba't parang alien ang nakakausap ko?" Kinurot niya ang pisngi ko.
"Nakakailan ka na Eazer ha."

"I'm glad you're finally doing something for yourself. Pagpatuloy mo yan. Gusto mo turuan rin kitang mag badminton next time? Weekend? Super effective for workout yun."
"Marunong kaya akong mag badminton. And that's a great idea! Sama ko si Kuya tapos invite mo si Kenji para doubles tayo. G?"
"Oo ba. Sige, every weekend unless may projects."

Nice! Ewan ko kung sasama sina Cha. Invite ko din sila sa group chat namin later.  

"Pumayat ka talaga." Sabi niya at sumubo ng kanin.
"Tsaka may nakikita na akong leeg. Hmmm..."
Nakasimangot lang ako.
"Alam mo, ang weird lang kasi di ako naglalaway sa kinakain mo."
"Weh?"

An evil grin formed on his face at dahan-dahan syang sumubo ng shrimp tapos nag-slow motion pa na parang sarap na sarap at may papikit-pikit pa.

"Not working." Binelatan ko siya. 
Kumuha na naman siya ng fried chicken na paboritong-paborito ko pa at tinanggal ang balat saka nilantakan ito.

*gruuuuuu~!*

"Oh really?"  Tumawa siya. 
"Okay naman ang chicken kasi konting calories lang unlike sa pork and beef."
Kinuha ko ang drum sticks at kumain nalang din.
"Alam mo, mababaliw ka kaka-calculate sa mga kakainin mo every single day. Sa mental ka na naman ba namin bisitahin ni Kenji?"

Iniinom ko nalang ang baon kong tubig na may tea.

"Talagang seryoso ka na sa pagpapayat mong yan, noh?"
"Oo naman."
"Gusto mo talagang mapansin ka na ng Russel mo?"
"Hindi to para sa kanya. Nakakapagod na kasing tumira dito sa katawang 'to."
"Hahahaha! Hinayaan mo kasi sarili mong tumambay sa kusina. Ayan tuloy."
"Eh sa masarap ang kumain eh. Tamo pag tumaba ka, hu u ka sakin."

"Aysus, zero percent ang chance kong tumaba."
"Weh? How sure are you?"
"Puyat ako lagi eh."
"Eh ba't wala kang eyebags?"
"Kasi may nilalagay akong cream."
"Bading ka ba?"
"Mukha mo."
"Maganda."

Umakto siyang parang nabubulunan at uminom. 

"Wag ka ngang bastos. Kumakain ako eh."
"Eehh."
Napanguso nalang ako.

Pero talagang motivated na 'kong magpapayat. Sure na talaga ako



Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now