Chapter Fourty Six

116K 2.8K 456
                                    

Musika's POV

"Mukha kang t*nga."
Inis akong lumingon kay Chris.

Nahatak ko nalang siya dito bigla. Aba, ewan! Ewan ko! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanggigil ako sa kanilang dalawa...

"Wag ka nga. Kumain ka nalang dyan." Inis na sabi ko sa kanya. Close na kami agad, just like that. Hahaha!
"Papaano ako kakain eh wala akong malalagyan ng tray?"

Napatingin ako sa dala niyang sobrang dami. Share na kasi kami sa iisang tray. Kasama pa drinks dun ha. Nagmamadali kasi kami. Juice lang rin ang ininom ko kanina kaya kakain ako ngayon!

"Basta, maghanap tayo ng table dun sa pinakadulo at matago."
"Tigilan na nga natin 'tong pagtatago natin. Ayan na siya, o."

Napatingin ako kay Trystan na nakatingin lang rin sakin at papalapit na.

"Tara na." Hinatak ko si Chris.
"O-Oy! Yung---"

At nahulog ang tray!

"Ano ba naman kasi yan, Mika."

Ang egg pie at lomi ko! Sayang...
Nakakahiya, tae ka kasi talaga Mika kahit kailan! Pati si Chris na nananahimik, dinamay mo pa sa kamalasan mo.

"Hala, sorry. Nakalimutan kong may dala-dala ka pala."
"Ako na ang magliligpit pero babayaran niyo ang mga nabasag na pinggan."

Sabi ni Ate na nagbabantay. Tae, naka disgrasya pa ako ng three hundred pesos. Wala na akong pang lunch... Nakakahiya kasi kay Chris kung ipapahati ko siya sa bayad eh ako naman yung may kasalanan.

Hindi pa 'ko nakaranas umutang. Anong gagawin ko?!

Kinuha ko ang tray at tinulungan si ateng mag mop dahil sobrang dumi ng sahig.

"Let me help." Nagulat ako kay Trystan na kinuha ang tray at mga nabasag.
"Wag na. Kaya na namin 'to."
"Okay lang." 

Malinis na, okay na. Nabasag yung pinggan pero pag nagsabi ba ako ng "sorry" maibabalik ba siya sa dati?

"Kakain muna ako. Hindi pa 'ko kumakain eh. Ilang minuto nalang, next class na."
"Di ko talaga sinasadya, Chris. Babawi ako sayo, ha?"

Naggpapa cute ako. Baka tumalab pa. Nabadtrip ko kasi ata.

"Sige, okay lang. Mauna nalang kayo."

"Ummm... pwedeng sumabay?"
Sabi niya sakin dahil palabas na ako ng cafeteria.

"Ikaw bahala."
Nakasunod lang siya sakin. Binibilisan ko ang paglalakad ko.

*gruu~

Naalala ko palang may binigay siyang muffin at nasa drawer.

"Musika, may problema ba?"
Hinawakan niya 'ko sa balikat. Paakyat na kami sa hagdan.

"Wala, wala. Badtrip lang siguro 'to."
"Ah, ganon ba? Gusto mo mawala badtrip mo?"
"Nako, wag na. Di na kelangan. Pag once na nabadtrip na kasi ako, wala ng gamot."

Tumahimik na siya at pumasok na kami sa room. Ano ba 'yan, ang awkward. Magkatabi pa talaga kami.

"Bakit parang hindi mo 'ko pinapansin?"
Tanong nang tanong eh!
"Ha? Ano bang meron?"
Gustong-gusto kong kainin ang muffins na bigay niya dahil gutom na gutom ako at baka di ako makapag focus sa next class pero ayoko dahil nandyan siya!

Di niya na naman ako kinausap.
Teka, pwede ko bang kainin ang muffin na bigay niya? Ah, bahala na! Nilantakan ko ang isang muffin at biglang dumating si Sir ng English class.

"Good morning, class!"

Napatakip ako ng bibig habang tumayo at hindi na ako sumabay pang bumati. Nasan na ba yung tubig ko? Tae, bilisan mong ngumuya, Mika!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon