Chapter Fourty Nine

112K 2.7K 496
                                    

Musika's POV

"Kainis ka! Di ka man lang nag-inform!" 
"Mas nakakainis kaaaa! Ang sexy-sexy mo na, girl!"
"Waaaaahhh!"

Oo, ang ingay-ingay namin, tumatalon-talon pa kami. Eh sobraaaang namiss ko 'to eh!

"Hahahaha! Grabe akala ko talaga, these girls right here were just kidding na ang payat mo na raw"! Tinuro niya sila Jessa, Cha at Joyce na nasa likuran niya na pala. "Grabe, ha. Noseblood talaga ha as in B-L-O-O-D!"

"Eh sorry naman po! Hahahaha!" 
"Maupo ka nga!" 

Uupo na sana siya nang mapansin niya si Trystan sa tabi ko.

"Hala, hala hala! Ano 'to, ha?! Ano 'tong nakikita ko girl? OMG you have to make kwento!"

Sina Jessa, umorder na muna. Nahihiya akong magkwento. "Later na." Bumulong ako sa kanya, "Pag wala na siya." Natawa kami. 

"Aba lang ha! Umeeksena ka talaga as usual, sister. Hahaha! Hi Kuya, I'm Jammy." 

"Hi, Jam. Trystan nga pala." Nagkamayan sila at si Jammy naman, panay pa ang asar sakin. Kilig na kilig!

"By the way! Ano yung narinig kong balita kina Joyce na you and Mel got into a serious fight, ha? Like seriously, FO? Friendship over na talaga?"

Napangiti nalang ako.
"Haaayyy... Don't mention that anymore, mie. Long story, kwento ko nalang sayo this weekend. Party, right?"

Parang ang hassle na lagi kong ikukwento sa mga tao kung anong nangyari samin. Ang hirap talaga pag nakasanayan ng mga taong nakapaligid sa inyo na lagi kayong magkasama at kung gaano kalalim ang friendship niyo tapos... In just a snap, nagbago ang lahat.

"Di ko pa nakikita ang babaeng yun! Where is she, ba? She's not even here! Nasanay talaga akong magkasama kayo lagi, sis." See what I'm talking about?

"I have no idea where she is. Baka nasa room? Actually, sina Christine na ang lagi niyang kasama ngayon."
"No freakin' way! Christine Cervantes?! That dumb b*tch?!"

Syempre mahina lang ang boses niya. 

"Gagi, watch your mouth nga."
Tumawa siya. "Okay, okay. Puntahan ko muna siya, ha? Seriously girl, I'm quite disappointed in her. I was like '*ITCH, WHAT THE FUCK?!'" Nagsitawan kami dito. Si Trystan naman, nakikinig lang samin.

"Basta, I want you girls to be friends na ulit, okay?"
"No. Ayoko Jammy."
"Pero girl---"
"We'll talk about that later, okay?"
"Okay, fine. Sige, mauna na muna ako, ha? Bye Trystan, it's nice meeting you." Nag-flying kiss pa siya sa kanya tapos umakto akong tinaboy yung kiss niya gamit ang kamay ko. Nagtawanan kami.

"Selosa talaga." Kinurot ni Trystan ang ilong ko. 
"Bawal?" I pouted. 
"Kiss kita dyan eh." 
"Hmph."

Matapos kaming kumain ay tumambay muna kami sa student's lounge kasama si Jammy. Kaka-enroll lang rin ng loko. Classmates kami, syempre! Matalino kaya 'to.

Syempre, ako rin! Hehehe!

"God, I really can't believe this, Musika." 
Jammy stared at me then touched my cheeks. "Is this really you?!"
"Hahaha! Lokaret ka talaga. Ako nga! The one and only!"
"Oy, oy oy wag ka! Muse yan sa Class niyo!" Singit pa ni Jessa.
"WHAAAAT?!" 

Ang OA talaga mag-react ni Jammy.  Tumayo kasi siya tapos hinampas ang mesa. Natahimik tuloy yung buong paligid. Nag-sorry ulit siya na parang t*nga. Lagi kaming good vibes when he's around. Sobrang nakakamiss!

"Iba na talaga 'tong best frienny ko! To the very extremely, extra-ordinary, exceedingly, excessively, overly, intensely, terrifically, totally highest level na talaga!" 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now