Chapter Twenty Three

100K 3.2K 1K
                                    

Musika's POV

Di ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon, sobra.

"Kenji... bakit ganon?"
"Di ko pa nga alam kung bakit ka umiiyak dyan eh, tas tatanungin mo 'ko?"
Nainis ako sa kanya kaya sinapak ko siya sa braso.

"Nakakainis ka naman eeehhh! Akala ko pa naman makakatulong ka."
Umiiyak parin ako. Nakakainis. Ang sarap tumalon mula sa rooftop.

"Sabihin mo muna kasi sakin kung ba't ka umiiyak. Ang gulo mong bata ka."
Umiwas ako ng tingin. Ayokong magkwento habang with eye contact. I stutter. I feel awkward. I'm so weird, jeez.

"Wag mo nga kong tingnan ng ganyan."
"Sige ka, di ko aalisin 'to pag di mo sinabi."
"Eeehhh... Kenji naman eh..."
"Ano nga kasi?"

"Kasi..."

Nakatingin lang siya sakin at tahimik na hinihintay ang sagot ko.

"Yung kasama ni Melody kanina..."
"BF mo?"
"Hindi..."
"Eh bakit?"

Nagdadalawang-isip talaga 'kong ikwento sa kanya kasi nakakahiya at magkakilala pala sila ni Russel pero hinihintay niya talaga ang sasabihin ko. 

Here goes nothing.

"Hmm--- Crush ko yun eh... Alam nga ni Medy kung gaano tapos sila pa 'tong naging close ngayon... Hindi na din kami nagpapansinan simula nung nag-uusap na pala sila. I don't know what happened, hindi ko alam kung gusto niya rin ba. It seems like may namamagitan na nga sa kanila ngayon eh. Nakita mo namang sinundo siya kanina, diba? Wala talaga siyang sinasabi sakin."

"---tsaka pumunta naman siya sa bahay kagabi to explain pero... hindi ko rin alam ba't ayokong makinig. She did try to talk to me and I appreciate that pero... masama pa rin kasi talaga ang loob ko sa kanya. Ganito talaga 'ko, Kenj eh. Pagka sumasama ang loob ko sa isang tao, umiiwas ako kaagad. Attempting to save myself, ganon. I get super emotional, tingnan mo 'ko ngayon. O, diba?" 

He didn't even say anything. Kenji just smiled.

Tahimik parin siya at di na siya nakatingin sakin kundi sa likod ko. Nilingon ko at gitara pala. Gusto ko na ring tumugtog nalang ng piano.

I play instruments whenever I'm sad or happy. I can express myself through them.

Tumayo siya at kinuha ang gitara mula sa stand nito, pumunta sa mini stage at umupo dun.

"Marunong ka?"
Tanong ko habang pinupunasan ang luha gamit ang panyo niya. Barado na rin ang ilong ko kaya kumuha ako ng tissue sa bag ko at sumikma. Natawa pa nga siya pero wala na 'kong time para mahiya. Wala na 'kong pake. Bahala siya dyan. 

Maya-maya ay tumugtog siya. Uhh... something like Punk?

"I don't even like you why'd you want to go and make me feel this way? I don't understand what's happened I keep saying things I never say..."

"I can feel you watching even when you're nowhere to be seen, I can feel you touching even when you're far away from me!"

Nakatingin lang ako sa kanya and I'm starting to like the beat of the song that it makes me kinda smile...

Thank you, Kenji... 

"So tell me where you're hiding your voodoo doll 'cause I can't control myself. I don't wanna stay, wanna run away but I'm trapped under your spell. And it hurts in my head, and my heart, and my chest and I'm having trouble catching my breath.."

"Ooohh woohh... won't you please stop loving me to death?"

Nakatingin lang siya sakin while smiling. Pumalakpak ako.

"Wow, galing-galing! Anong kanta yuuuun?!"
"Voodoo doll of 5 Seconds of Summer"

(A/N: BIGGEST FAN OF 5SOS HEEEERE!!!!!! *kaway-kaway*)

"Oh... Familiar yung band."
"Try to watch them on YouTube."

Bumaba na siya at ibinalik ang gitara sa stand nito.

"Hmm..."
Nakatingin lang siya sa sahig.

"Hmm?"
"Ah--- wa-wala..."

Ako naman ang lumapit sa piano.

Tinugtog ko ang "River Flows In You" ni Yiruma. Ito yung paborito kong tugtugin pag nakakaramdam ako ng lungkot.

Di ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko. 

Naiinis ako na nalulungkot... 

"Mika..."
Naramdaman ko ang kamay ni Kenji sa braso ko. Di na 'ko nagdalawang-isip na tumayo at niyakap siya nang sobrang higpit.

"Kenji..."
Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hinihimas niya lang ang likod ko at pinapatahan ako.

"Kenji, bakit naman kasi ganon?"
"Mika, tahan na... andito lang naman ako. Andito lang ako, o?"
Ayaw parin talagang tumigil ng luha ko kahit na gustong-gusto ko nang tumahan.

"Kenji, buti ka pa... Buti ka pa naiintindihan mo ako..."
"---Buti ka pa nandyan ka sa tabi ko kahit na lalake ka..."
"---Niyayakap mo ako kahit na pangit ako at mataba..."

Kumawala siya sa yakap ko at ---


...

"Hindi ka pangit... okay? You're perfect, just the way you are. Tandaan mo 'yan."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang tumutulo kong mga luha gamit ang hinlalaki niya. 

Napatulala lang ako at pilit na ina-absorb ang nangyari.

Hinalikan ako ni Kenji?

Seryoso? Totoo ba yun o kathang-isip ko lang? 

Nananaginip ba ako?

Mika, yung first kiss mo... 

"Musika. Huy." 

Di parin ako makapagsalita, ni hindi ko siya matingnan sa mga mata niya. 

"Tingnan mo nga ako."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at wala na 'kong nagawa kundi ang tingnan siya.

"Mika, sorry kung bigla kitang nahalikan. Hindi ko napigilan--  ang cute mo kasi lalo na pala pag umiiyak ka." Natawa siya. 

Naguguluhan ako.

Musika Mashima, gumising ka nga! Baka isa na naman 'yan sa mga pantasya mo! Baka isa na naman 'to sa mga ilusyon mo...

"Kenji--- b-bakit?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam pero... bigla ko nalang na-realize kanina. Lalo na nang makita kitang nagkakaganito. Nasasaktan din akong makita kang umiiyak. Ayokong makita kang umiyak."

Inalis niya ang mga kamay niya mula sa mukha ko at tumalikod sya.

"Pero--- tingnan mo nga ako, o? Ang pangit ko tapos-- tapos ang taba-taba ko pa! Paano magkakagusto ang isang katulad mo sa isang tulad ko?"
Dinuro-duro ko pa ang sarili ko dahil sa inis.

Bigla siyang humarap at...

"Hmmm---" 

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi di niya pa inaalis ang labi niya mula sa labi ko. Nakapikit lang siya at dahan-dahan niya akong niyakap... Nanginginig ang mga tuhod ko...

Gusto kong kumawala pero... pero ba't di ko magawa? Para akong nanghihina?

Bakit ganon?

Bakit niya 'ko nagustuhan?

Pangit ako at mataba...

Bakit, Kenji?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon