Chapter Thirty Two

97.5K 2.8K 325
                                    

Musika's POV

"Tara, dun tayo."

Naglakad na siya at sumunod nalang ako. Malay mo, importante pero di pa naman kami close neto eh.

"O, ano?"

"Eh kasi..." Umiwas siya ng tingin.
"Kasi ano?" 
"Uhhh..."
"Crush mo 'ko?" Biglang nanlaki ang mga mata niya tapos tumawa. 
"Hindi ikaw. Kaibigan mo!" 

Ah, kaibigan ko?

Ah, oo. Baka si Chaldea? Jessa? Joyce? O di kaya si... Melody? Eh lagi namang sila ang crush ng mga lalaki eh. Ako lang yung clown na kasali sa grupo nila. !

"Don't let me fall, Musika Mashima." 

Eh ano yun?! Alam niya nga fullname ko! Mga lalaki talaga, ugali na nilang pakiligin tayong mga babae tapos sa huli, biro lang naman pala.

"Sino?"
"Si..." 

"Pucha, babading-bading ka naman pala eh! Ang angas-angas mong kumilos tas sa babae ka lang maduduwag---"
"Wala nga sabi, joke lang!"
Sumandal siya sa pader.

"Ano nga kasi yun?"

"Nakisuyo kasi sakin si Kenji..."

"Ha? Nako, kung ano man yan wag mo nang ituloy. Nabibw*sit ako. I have no time for his bullsh*ts anymore." 

I just remembered our kiss. That was my first... He took it. Kinuha niya dahil lang sa plano niyang pagselosin pala si Melody? Hinalikan niya 'ko para mas mahulog ang loob ko sa kanya at para mas lalong tumuloy yung plano niya. Yun lang. Wala lang yung kiss na yun. Napunta sa walang kwenta ang first kiss ko.

"Kelangan niyo raw kasing mag-usap."
"Eh ayoko nga! Sige na, may klase pa kami." Tumalikod ako at iniwan siya.

Maya-maya lang ay hinatak niya 'ko pabalik at ewan ko kung saan niya 'ko dadalhin.

"Hoy, san tayo pupunta?! Guaaaaard! Guaaaard kidnaaaap!" 
Pinagtitinginan na kami ng mga studyante at nagbubulungan na. 

"Wag ka ngang ano dyan! Kita mong ang bigat-bigat mo na tas nagpapabigat ka pa." Sinapok ko nga siya at natawa lang ang gag*.

"Baka! Baka! Argh! Ika sete!" (Bitawan mo nga ako!)  

Nagulat ako nang makarating kami sa field at...

Nakita ko ang "I'M SORRY" na isa-isang hawak ng mga students at nakita ko si Kenji sa gilid na may dala-dalang box ng cake?

"Sabi sayo eh."
Eazer smirked at tinulak ako papalapit sa kanya na kasalukuyang naglalakad patungo sakin.

"Ano na?" Tanong ni Kenji. 
"Anong... Ano na?" Pagtataray ko.
"Sorry na kasi, Musika. Hindi ko naman talaga plinano ang lahat, basta-basta nalang nangyari---"

Syempre na-touch ako pero... Pero hindi ako magpapadala! Never again!

 "Wala na 'kong panahon sa mga lokohan, Kenji. Gusto ko lang namang mamuhay ng tahimik. Hindi ko naman siguro deserve ang gag*hin dahil wala naman akong kasalanan sa inyo."

Nakayuko lang siya.
"Heto... cupcakes, favorite mo diba?"
Ngumiti-ngiti pa siya't pinapainggit ako sa box na dala nyang may blue at green colored ribbon pa. Alam na alam nya talaga ang favorite colors ko! 

"Is it too late now to say sorry?!"

Bigla niyang kinanta yung linya ng "Sorry" ni Justin Bieber at medyo natawa pa 'ko kasi sinigaw niya at sintunado pa.

"Give me reasons kung bakit ko tatanggapin ang sorry mo."
"Kasi--" "Ops. You only have thirty seconds para magsalita."
"Eh?! Ano 'to, movie?!"
"Your time is running."
Naka focus lang ako sa relo ko para bilangan siya.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt