Chapter Seven

126K 3.7K 903
                                    

Musika's POV

5 PM na, nandito parin kami sa park. Alam niyo kung anong ginagawa namin?

BOY HUNTING! HAHAHAHA!

"Uy, tingnan mo chi mukhang gwapo, o! Yung naka sunglasses tas naka bonet na guy. Yung naka black t-shirt!" Sabi ko naman.
"Oo nga chi, ang cool niya."

Natatawa kami dito sa kinauupuan namin ni Melody. May group of students kasi na kakapasok lang dito sa park.

"Tatanggalin niya yung glasses nya chi!"

Napatigil ako sa tili nang makita ko kung sino siya.

SI RUSSEL TANAKA!!!

"Chi, kalma lang. Kalma lang!"

Nahulog ko tuloy yung iniinom kong soda sa kakatili!

"Destiny 'to diba?! Destiny! This is what they call destiny!"

Di na 'ko mapakali dito. Pinagtitinginan na ako ng mga studyante sa kabilang side.

Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo. Mapa-sunglasses or eyeglasses or bonet or cap man siya. Ang pogi parin. Parang artista yung kagwapuhan eh. Mas gwapo pa nga siya samga crush niyo!

"Kalma lang chii baka mapansin nila tayo dito." Inawat ako ni Medy sa pagtitili dito kasi napalakas na.
"Ahahaha oo na, kakalma na teng." Ininom ko ang C2 niya kasi nauuhaw ako. Natapon ang akin eh. "O, okay ka na?"

"Oo, okay na..."

Pinagmasdan ko lang siya mula dito. Nasa may fountain sila ng mga kasama niya.

Right! Di ko pa nga pala siya natetext.

-

Ako: Hi :3

Tiningnan ko siya at kinuha niya naman ang cellphone niya sa bulsa at parang nabasa niya na nga ang message ko. Kakilig!

Russel:

Hello powzxshh. Sino this? (;

-

Ay.

Nireplyan ko nalang. Alam niyo yung feeling na nireplyan ka ng krass mo?

Ako: Mika Mashima nga pala :)

Di ko sinabi ang buong pangalan ko kasi ayokong malaman niyang ako to. Nagreply kaagad siya!

Russel: Eh? Japanese?

Ako: Hai, hai. ^__^

Russel: Souka. Russel Tanaka desu. Yoroshiku onegaishimasu. :))

(I see. Ako si Russel Tanaka. Nice to meet you)

Ako: Hajimemashite. Genki desuka? (Nice to meet you. Kamusta?)

Siya: Daijobu desu. Anata? (Okay lang ako. Ikaw?)

Ako: Hai. ;D Hahaha tagalog na nga lang tayo . Awkward naman kasi eh XD

Siya: LOL! HAHA kaya nga. San ka nag-aaral?

Tiningnan ko siya mula dito sa kinauupuan namin.

Mukhang na-enjoy siyang katext ako ah. Nakangiti siyang nakaupo sa gilid ng fountain at tutok na tutok sa phone eh. Mukhang hinihintay niya ang response ko. Kilig overload! LOL asa.

Ako: Sa Aquamarine Academy po. Ikaw?

Wow ha, kaagad na nagreply! Akala ko sort of snob type siya eh kasi nga famous diba? Ganoon kasi kadalasan! Pero friendly din naman pala.

Russel: #Richkid haha. ANHS po ;)

Rich kid kaagad? Di naman!

Ako: Luh di naman! Haha kamusta po pag-aaral? :3

Russel: Okay lungs haha. Sayo ba?

Ako: Yep! Kapagod nga lang XD

Russel: Kaya nga e. Gora lang lol.

"Hoooy!"

"Gagi!"

Nagulat ako kay Melody. UGH.

"Chi naman eh! Kita mong nag-eenjoy ako dito!" Sumilip siya sa phone ko.

"Bakit, anong meron ha? Kanina pa ko nagkukwento dito tas di ka pala nakikinig!"
"Eh kita mong may katext ang dyosa eh!" She rolled her eyes again.

"Heh! Si Russel ba? Eh kung hatakin kaya kita papunta sa kanya ha? Para sa personal na kayo mag-usap."

Pang-aasar niya naman habang umaaktong papunta sa kanya. Baliw na 'to.

"Subukan mo lang kung ayaw mong ilunod kita sa fountain!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon