Chapter Sixty Six

89.3K 2K 591
                                    

Musika's POV

*beep*

+639*********

Hi Russel thizxcs! =)

Nagpalit na pala siya ng number. Siguro dahil sakin?

I can't even remember kung ilang months na ang lumipas mula nung una kaming mag text.

Siguro kung pareho parin ang nararamdaman ko sa kanya ngayon tulad nung dati, sobrang saya ko na. Baka nga tumalon-talon na 'ko sa kama ko kagaya ng dati.

Yung sa bawat reply niya ay nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa tyan ko. Mas masaya pala ako dati. Mas masaya ako nung mataba pa ako...

-Hi. Sorry, kakauwi ko lang kasi.

Nireplyan ko na nga lang. Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba yung plano kong magpanggap na si Rizumu kasi parang wala namang sense.

Kaso... Ayoko namang makilala niya ako. Ang awkward kasi nung nangyari samin. Naiinis tuloy ako dahil naalala ko na naman.

Masaya na ba si Melody ngayon dahil nangyari na yung gusto niya? Nabawi niya na ulit si Trystan. At sa napapansin ko, hindi na nila ako ginugulo.

*beep*

Russel Tanaka

Free ka ba bukas?

Is he going to ask me on a date?

-Galit pa si papa sakin eh. Di ako papayagang lumabas for sure :(

*beep*

Awee sayang :((( Gusto ko sanang mas makilala ka pa. Sa lunes? Pwede ba tayong gumala after class?

-Try ko lang, ha?

*beep*

Yes! Busy ka ba?

-Hindi naman. Bakit?

Russel Calling...

Hala... Hala sasagutin ko ba?
Biglaan naman siya masyado!

"M-Moshi-moshi..." (Hello?)
Narinig ko siyang tumawa.
["Akala ko hindi mo sasagutin."]
"B-Bakit naman?"
["Kasi akala ko mahirap kang kausapin."]
"E-Eh? Hontou?" (Talaga)
["Hmm... Anong ginagawa mo ngayon?"]

"Ano... Nakahiga."
["Sayang, gusto ko sanang tumabi."]
"E-Ehh?!"
["Hahahaha! Nante ne!"] (Joke lang)

Tama ba na kinakausap ko siya ulit?
["Alam mo ba na pag ngumingiti ka, umaangat ang dila mo?"]

Ngumiti ako para tingnan kung totoo ang sinasabi niya.

["Ang cute mong ngumiti."]

Hindi ko napigilang mapatawa.
"Gagi! Hahahaha!"
["Salamat naman at napatawa na kita. Parang ang lungkot ng boses mo eh."]
"A-Ano... Medyo masakit lang ang ulo ko eh."
["Uminom ka na ba ng gamot?"]
"Hindi pa..."
["May gamot sana ako dito. Special daw 'to eh."]
"Talaga?"
["Oo. Alam mo kung ano yun?"]
"Ano?"
["Yakapsul."]

Napatawa ako at napasuntok nalang sa unan ko.
"Joker ka masyado."
["Masaya ako ngayon kasi napapangiti kita."]

Hnnngg!!! Ano ba yan, Russel!

["Hello?"]
"A-Ah, hehehehe!""
["Mukhang busy ka ata."]
"Oo eh. Medyo... Pero text lang kita kung free ako bukas."
["Sige. Aasahan ko text mo, Ricchan."]

Ricchan? Ginawan niya na 'ko agad ng nickname. Nakokonsensya tuloy ako.

"Okay... Sige, bye Russel."
["Bye."]

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now