Chapter Sixty Two

86.2K 2.1K 691
                                    

Musika's POV

"Mag-usap nga tayo."

"Kin---" Inaawat ako ni Trystan ngayon.

"Wala tayong dapat pag-usapan."

Aba, nakuha niua pang magtaray!

Bigla kong hinawakan ang braso niya at hinila siya patayo, palabas ng classroom.

EW! Maghuhugas ako ng maligamgam na tubig mamaya at bubudburan ko ng maraming-maraming alcohol ang mga kamay ko. Yuck!

"Ano ba! Bitawan mo nga kamay ko!"

Dinala ko siya sa loob ng CR at ni-lock ang pinto.

"Wag kang mag-alala kasi di naman ako gagawa ng masama dahil di naman ako kagaya mo."
"So? Anong pake ko?"

"Melody, ba't di ka pa tumitigil?"

Di lang siya umimik at umiiwas sa mga mata ko.

"Ba't di mo nalang ako hayaang sumaya?"
"Hayaang sumaya?"

Tumawa siya.

"Ako ba, hinahayaan mo rin ba 'kong sumaya?"

Ano ba 'tong sinasabi niya?

"Wala akong ginagawa sayo. Nananahimik na ako, Melody. Pwede bang tantanan mo na ako? Kami ni Trystan?"

"Akala mo ba madali para sakin na makita yung ex ko na boyfriend na rin ngayon ng ex-bestfriend ko, ha?! Hindi mo maiintindihan yun dahil hindi mo pa naman nararanasan!"

Bigla niya akong tinulak at muntikan na akong matumba.

"Hinding-hindi mo ako maiintindihan kasi lahat naman, Mika nakukuha mo eh!" Umiyak siya at agad na pinunasan ito. "Lahat nalang, ikaw ang pinipili. Lahat, nasayo na. Lahat ng mga taong mahahalaga sakin, kinuha mo na!"

Natahimik ako.

Di ko alam kung ba't di ako makapagsalita. Natauhan nalang ako nang marinig ko siyang tumawa pero... Umiiyak.

"Sa tingin mo ba matutuwa ako? Matutuwa akong nakikita kayong dalawa na masayang magkasama, samantalang ako nag-iisa? Na magkasama kayo ng mga kaibigan natin at sayo sila kumakampi? Ikaw ang pinapakinggan nila? Hindi, Mika! Hindi!"

Gusto kong magsalita pero ayaw gumalaw ng dila ko.

"Alam mong ex boyfriend ko siya, Mika at alam mo kung gaano kasakit ang nangyari samin pero ba't mo parin siya pinatulan? Hindi ako ang masama dito kundi ikaw! Selfish ka kasi! Sarili mo lang iniisip mo! Kung sa tingin mong ako ang masama sating dalawa, nagkakamali ka! Ikaw yun..."

Umiiyak pa rin siya. Naiilang akong makita siyang umiyak sa harap ko.

" Kaya ba lagi kang gumagawa ng mga ikakasira ko dahil dun? Bakit hindi mo nalang ako kinausap ng maayos, Melody? Ang dami mong dinamay! Akala mo rin ba hindi ako nasaktan sa mga ginawa mo sakin at ginamit mo pa si Russel para ipahiya ako, ha? Bakit pinapalabas mo na ako ang masama, eh sino ba ang naunang nanggulo satin!"

"Kung gusto mong tigilan kita, alam mo na ang gagawin mo... Ibalik mo si Trystan sakin. Hinding-hindi ako titigil hangga't di siya mapasakin ulit, Mika. Sinusumpa ko 'yan!"

Pinunasan niya ang luha niya at umalis.

Ano bang dapat kong gawin?
Iiwas na ba ako kay Trystan para wala nang gulo? Para matahimik na siya?

Sino bang pipiliin ko? Yung naging bestfriend ko o yung... boyfriend ko?

Napahilamos ako' t tinitigan ang sarili ko sa salamin. Ba't na ba ako nagkakaganito? Bakit nagkaganito kami ng bestfriend ko?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now