Musika's POV
"Hmmmmmm!"
Pucha, ang sakit ng ulo ko ah?!
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko---
At nakitang masaya na siya sa piling ng iba...
Pfft-- Tinatamaan ako ng sinag ng araw, kukunin mo na aba ako, Lord?
Tsaka napakasarap ng tulog ko ah!
Teka... Bakit naging kulay pink ang pader ng kwarto ko ngayon?Napabangon ako, nataranta akong kinapa ang kama. Wait, where the hell am I?!
Kwarto ba 'to ni Joyce?!
Papaano ako napunta di---"WAAAAAAAHHHHH!"
Nahulog ako sa kama sa kakalingon.
"Hoy, Mika anong nangyayari?!"
Biglang niluwa ng pintuan si Joyce na nagsusuklay pa yata dahil nakasabit yung brush niya sa buhok."Joyce?!"
"Bakit?!""Bakit ako andito sa room mo?!"
"Kasi po mahal na prinsesa, lasing na lasing ka kahapon!" Sinarado niya ang pintuan."Eh?! A-Akala ko..."
Akala ko panaginip lang yun?!"G*ga ka! Sobrang lasing mo na kagabi at ayaw naming i-uwi ka sa inyo ng ganon dahil papatayin kami ng parents at lalong-lalo na ng Kuya mo."
"Ha---ha?!"
"Oo." Nagsuklay siya ulit at humarap sa salamin niya.
"Sa susunod na iinom ka ulit, hinding-hindi ka na naman sasamahan!"
"Eh!"
"Eh ka nang eh dyan!"
"Eh... kasi... hala.""Buti nalang sabado ngayon!"
Hinanap ko ang cellphone ko.Teka...
"Nakita mo ba phone ko?" Tanong ko sa kanya. "Ha? Wala ba sa bag mo? Sa bulsa ng short mo?""Wala talaga eh--- Ahhh-"
"You okay?"
"Ang sakit ng ulo ko, sis."
She sighed at pinitik ang noo ko.
"Inom pa more! Mag-ayos ka na dyan at kakain na tayo. Nagpahanda ako kay yaya ng mainit na sabaw.""Ano... thank you sa inyo, lalong-lalo na sayo, pinatulog mo pa talaga 'ko dito sa bahay niyo. Hindi ka ba pinagalitan?
"Tulog sila nung hinatid ka namin dito.""Ba't ang sakit ng ulo kooooo?"
"Hangover, kamo!"
"Pano mo nalaman?"
"Syempre, alam ko!""Umiinom ka rin siguro noh!"
"Hindi ah! Read your books nga."
"Heh. Sungit."
Lumabas naman siya kaya nag-ayos na ako at naghilamos.
Pagbalik ko, may dala-dala siyang mug."O, kape! Wag mo na talagang uulitin yun. Hindi mo alam kung paano kami naghirap nila Joyce sa pag explain sa Mama mo kagabi. Nakakainis ka na talaga, Mika. Promise. Malapit na 'kong mapuno."
"Sa-salamat... Sorry, sis ah. Lagi ko nalang kayong ginugulo."
Ininom ko muna ang kape. Naabutan ako ng ilang minuto bago maka-recover. Medyo nawawala na yung sakit.
"Ang tatapang naman kasi ng mga ininom mo kagabi. Kala mo naman kaya. Nasukahan mo pa si Jam!"
"Ganun ba..." Uminom ako ng kape ulit.
"Buti nakaya niyo 'kong buhatin papunta dito?"
"A-Ah... O-oo kami. Kaming apat! Syempre, sinu-sino pa bang magtutulungan diba? Hehehehe!"
Problema nito? Parang baliw.
"Hay... Babawi nalang ako sa inyo next time. Tsaka di ko na uulitin yun."
"Aba, dapat lang! Ang bigat mo pa kaya!"
"Hoy! Grabe ka naman, hindi na kaya! 45 kilos lang ako eh!"
BINABASA MO ANG
Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)
RomanceSobrang insecure niya sa sarili. Lagi niyang kinukumpara ang sarili niya sa iba. Simula bata pa siya'y laman na siya ng mga tawanan at asaran ng mga kaklase at kababatang kaibigan dahil sa pagiging mataba. Ang pangalan niya ay Musika. Unti-unti niya...