Chapter Thirteen

121K 3.1K 572
                                    

Melody's POV

I just got home at dumiretso na 'ko sa kwarto to take a rest. 

Nag-iisip ako about my plan na ite-test si Russel pero paano naman? Di kasi ako sigurado sa gagawin ko. Naba-bother rin ako kasi may gusto sakin yung tao. Ayoko namang magkagusto siya sakin.

Ah!

Alam ko na!

Pano kaya kung magpapa-turn off ako sa kanya? Yung tipong mandidiri siya sakin or ano ba basta ma-turn off siya sakin.

"Paganahin mo naman yang utak mo, Medy!"

Magdadabog na sana ako nang may narinig akong tumawag sa cellphone ko.

Unknown Number?

"Hello?"

["Hi, Melody. Kilala mo 'ko?"]

"Pano kita makikilala eh unregistered nga ang number mo."

Alam ko na kung sino 'to. Sa tono pa lang ng pananalita noh. I'll just pretend na di ko siya kilala.

["Hahaha! Okay, si Russel 'to."]

"Russel, who? Ah! Yung lalaking arogante na hindi naman kagwapuhan."

At talagang sinabi ko yan. Malay natin, mainis siya sakin.

["Aray ko, beh. Dahan-dahan naman sa pananalita."]

"Nagsasabi lang ng totoo. Masama bang maging honest?"

["Mas nagugustuhan kita pag ganyan ka. Alam mo yun? Gets ko din naman ikaw. Nagpapakipot ka lang sakin para kunwari hahabulin pa kita nang husto. Tama diba? Yiieee! Aminin!"]

Napaka-antipatiko talaga ng lalaking 'to. Sobrang hangin! Ang sarap hagisan ng phone!

"Ewan ko sayo."

["Galit ka na nyan?"]

"Tingin mo?"

["Haha! Chill. Gusto ko lang namang masigurado kung sayo nga 'tong number na binigay mo. Baka kasi niloko mo ko eh."]

Wait, ba't ba ko nagsasayang ng minuto sa lalaking 'to? Ewan ko ba kung anong meron sa kanya! Naiinis kasi talaga ako dito eh.

["Huy? Andyan ka pa?"]

"Wala na si Melody."

["Hahaha! Okay. So, gawa natin dyan?"]

"You see, Mr. Russel... busy kasi ako eh. Gumagawa ako ng assignments? Ikaw ba, di ka nag-aaral nang maayos?"

["Anong subject? Baka matulungan kita."]

"Ay nako, wag na. Yung bestfriend ko nalang tulungan mo kasi mahina yun sa Math."

["Yung mataba bang lagi mong kasama?"]

Boom! Maganda ang nasabi mo Medy, mai-topic niyo si Musika. Tuloy mo lang 'yan!

"Kung makalait ka. At least maganda siya noh."

["Hmmm... Di ko trip ang mga chubby, sorry. Hahahaha!"]

Tumawa siya nang tumawa. Sarap sapakin!

"Bakit naman? Oy, masarap kaya silang yakapin!"

["So, magpapataba nalang din ba 'ko neto para gusto mo na din ako i-hug?"]

WTF. Iniiba niya ang topic eh!

"Try mo kasing magka-gusto sa chubby. Don't go for looks!Tsaka nawawala naman ang fats eh. Ang importante nun, maganda ang nasa loob."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now