Chapter Four

149K 4.1K 385
                                    

Musika's POV

*ANHS Main Gate*

"Sis!"
Bati sakin ni Lenny at niyakap ako. "Sis, si Melody nga pala. Bestfriend ko." Ipinakilala ko si Melody kay Lenny. "Hi Melody. Bagay talaga kayo ah." Natawa kami. "Yep. That's what they always say. Haha!

Nag-usap-usap pa kami tungkol sa nangyari kanina.

"By the way, ito nga pala number niya." Tinapat ni Lenny sakin ang cellphone niya at sobrang natuwa naman ako. With talon-talon pa ha? Hahaha! Yey! 

"Thank you so, so much sis!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit at saka pinaghahalikan sa pisngi. "Uhm, ano pala 'yan?" Pag-interrupt ni Melody samin.

"Hahahaha! Kasi kanina, nakita mo yung guy na kumanta ng 'harana' sa stage? Yung cute na gwapo na guy?" Napaisip naman siya at saka lumiwanag ang mukha. "Ah! Si Russel Tanaka!"

Pati si bestfriend kilala yun?! "Hala, kilala mo?"

Natawa siya at hinawakan ako sa braso.

Wag mong sabihing....

"Hay nako! Kasi sikat 'yan sa pagiging PLAYBOY." Nanlumo naman ako doon. Playboy? So that means na magagandang babae at sexy ang type niya. Jusko. 

Ba't ba halos mga gwapong lalaki ay hindi na marunong tumingin sa panloob na anyo? Bakit ganon? Tsk.

"Oh... I see." Sabi ko nalang.

"Hay nako, sis. Di naman 'yan naiiwasan sa mga boys lalo na kung alam nilang kinababaliwan sila ng mga babae." Tama nga naman. Ano pa bang magagawa ko?

Ah, basta. Kahit sa text lang kami close, okay na. Okay na okay na ako dun.

"Akin na nga yung number. Ako nang bahala."
"Oh anong gagawin mo?" tanong ni Medy.
"Wala. Makikipag-kaibigan lang noh." Kinurot niya naman ako sa bilbil.
"Sus. Bilbil mo. Alam ko na ikaw! Hahaha!"

O? Wala naman akong ibang gagawin eh. Makikipag-kaibigan lang talaga...

At paiinlabin sakin ;) mwahahaha~ tingnan ko lang kung hanggang saan makakaya ng powers ko. (Miss Assumera 2018)

"Tara, pasok tayo sa loob?" Nagyaya si Lenny na pumasok sa campus nila. 
"Nge. Wag na noh, nakakahiya naman."
Pinilit nya parin kaming pumasok kaya wala na rin kaming nagawa ni Medy. 
"Wala rin kayong class?" Tanong ko. 
"Ah, oo. Hahaha dapat gumala tayo noh." 
"Oo nga, Miks. Dapat lang!"
"San ba tayo ga--" 

Napatigil ako sa paglalakad.

"Grabe, tol andami mo na namang chics na nakuha kanina! Tsk."
"Gag*, ako pa. Tingnan mo nga ako, o? Hahaha!"
"Nakakabading ka, tol."
"Tae ka, wag ganyan. Di tayo talo, ul*l!"

"Hahahahahaha!"

Tinitigan ko siya.

SH*T.
SI RUSSEL TANAKA BA 'YAN?
MAKAKASALUBONG KO!

I mean-- namin! OMG... what should I do?!

"Hoy Mika!" Sinagawan ako ni Medy at lumingon rin kung saan ako nakatingin.

Si Russel at ang grupo niya, dumaan na sa gilid namin.

Guess what? TUMINGIN SIYA SAKIN! Kyaaaahh~~!!!!

"Ang gwapo niya lalo pag naka-eye glasses." Sobrang hinhin ng pagkasabi ko. Kinilig ako sa tingin niya. "Oo nga eh. Pero kahit na ang gwapo niya, di ako nagkagusto dyan." Aniya.
"Bakit naman?" Tanong ni Melody kay Lenny. 
"Eh ang bad boy rin nyan noh. Ilang beses na 'yang nachichismis na nakikipag-ano dito mismo sa loob ng campus." Napasimangot siya. I rolled my eyes at binalik na ang tingin ko sa kanila.

"Sana ako rin..."

"Hoy, hoy! Anong ikaw ha?"

Natauhan ako at natawa.

"Ay-- Hahahaha! Kako, sana ako rin! Magustuhan niya rin sana ako."

"Hay nako. Dream on. Mag-diet ka muna."

Napanguso ako sa sinabi ni Medy.

Diet? Makakain ba yan?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon