Chapter Seventy Three

119K 2.2K 853
                                    

Musika's POV

"So... anong kwento mo about kanina?" Tanong ni Trystan nang magkita kami dahil sinundo niya ako dito sa School at sabay na daw kaming uuwi dahil pareho kami ng schedule sa last subject.

Kinausap ko na din si Papa about sa sched namin ng TTH dahil hindi kami sabay kaya yun lang ang mga araw na masusundo ako ni Manong.
Sa MWFS namin, pareho kaming 5 PM ang dismissal pero sa TTH ay 6 PM siya at ako naman ay 4 PM kaya ayun.

Gumala pa nga pala muna kami dito sa mall para makapag meryenda.

"Ayun, may naging friend ako."
"Agad-agad? Wow, ang friendly talaga ng baby ko, o." Kinurot niya ang pisngi ko.
"Hahaha eh kasi ang kulit niya tapos maingay. Para siyang pinaghalong Joyce at Melody."
"Babae ba yan?" He glared at me.
"Oo naman!" Ngumiti ng malapad ang loko. Hahaha! "Okay, good. Tapos?"

"Grabe akala ko talaga, mga mysterious type ang mga magiging kaklase ko."
"Bakit, mysterious type ka ba, ha?" Asar niya naman sakin. "Heh. Kasi naman."
"Hahaha! Kulit nun, ah."
"Oo nga pero cute!"
"So ano rin yung kwento mo, kin?" Sumubo ulit ako ng burger.

"Ayun, ang pogi ko."

I gave him a bored look at natawa nalang siya.

"Seryoso nga. Andaming nagpapapansin sakin tapos nagha-'hi'. May nanghihingi pa nga ng number kaya ayun, binigyan ko nalang para may updates ako about sa class." Nawawala nalang yung mga ngiti ko sa kinukwento niya.
"Heh. Pinansin mo naman."
"Syempre. Alam mo, kin survival sa college kaya dapat may kaibigan ka talagang kaklase mo to make things easier." Well, he has a point naman.

Naalala ko yung mga lalaki sa net shop kanina tapos ayun, kinwento ko sa kanya. Siya na naman ang mukhang nabadtrip. Wahahaha!

"Kinalimutan ko na nga yan kanina eh." Sumandal siya sa upuan. "Eh kinuwento ko lang naman. Mga kaibigan rin ata yun ni Kuya."

"Pag ikaw."
"Anong ako?"
"Wala. Ang pogi ko talaga."
"Heh."

Matapos kaming kumain, ayun naglibot muna sa mall, nagcheck ng mga books sa Booksale, siya naman sa Nike store.

"Gusto mo na bang umuwi?"
May naalala akong bilhin!
"NBS muna tayo bi, may bibilhin pala 'ko dun." "Let me guess, James Patterson na naman."

"Hmmm... Hihihi!"

Yep! May bagong published book si James Patterson eh! He's my favorite author of all time. His works of mystery cases, criminal cases and everything. Kaya nga nagpursigi ako sa kurso ko.
Ay, tapos bibili na rin ulit ako ng G-Tech, nawala ko kanina eh.

Nainggit ako sa doughnut ice cream cone kaya nilibre niya naman ako. Waaahhh nakakamiss kumain ng ganito! Nang matapos kaming kumain, hinatid niya na ako sa bahay.

Binisita ko ang Facebook profile ni Melody.

Bigla lang kasi siyang nag-pop out sa utak ko eh. Yun bang parang may nakalimutan ako? Di ko lang talaga matandaan. Maraming nagpost sa timeline niya. Ma-scroll nga.

Teka, teka.

Wait!

This envelope is familiar! Tama, may pinabigay siya kay Trystan na envelope na may lamang letter niya eh. Shiz, ba't ko pa naman yun nakalimutan! Agad-agad akong bumangon at natandaan kong sa drawer ko nilagay yun.

Natakpan siya ng diary ko. Kinuha ko ito.

Strange... Inamoy ko siya. Yung amoy niya, may scent parin sya. Everlasting ba ang scent neto? Creepy... I felt cheels down my spine.

Naiiyak na nga ako, umupo ako sa bed out of frustration. Babasahin ko ba? Ano kayang laman nito? Binuksan ko ang envelope, at hinawakan ang letter. May sticker ulit na heart.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now