Chapter Sixty One

95.1K 2.2K 387
                                    

Musika's POV

...

"Ma'am, ano 'to?" 

"Ako dapat ang nagtatanong nyan, Ms. Mashima. What's that?"

"M-Ma'am, it's a misunderstanding. Hindi po namin ginawa ang kung ano man ang naisip niyo sa litratong ito." -Trystan

Oo, isang litrato. 

Litrato namin ni Trystan na mag-isa sa room kahapon. Yung litratong magkayakap kami. 

"Are you sure, Mr. Brizuela? You know that this kind of actions are prohibited inside the school campus."

"Pero Ma'am, dahil lang ba sa isang picture eh maniniwala na ho kayo? Ano ho bang mali sa nagyayakapan? Buti sana kung--- kunv video namin ito na may ginagawang mali pero, ito lang po kasi eh." 

Hindi talaga 'to pwede. Dapat linawin ko sa kanya na mali ang mga naiisip niya. Di ako papayag na masira ang pangalan namin nang dahil lang dito. At lalong hindi pwedeng ipatawag ulit ang mga magulang namin dahil lang dito sa walang-kwentang litrato na kung sino man ang pesteng kumuha at gusto kaming siraan!

"Can you explain what you're doing in this picture?" 

"Ma'am, niyakap ko lang po siya to comfort her dahil kinakabahan siya sa darating na pageant. Galing po kaming meeting nyan, kahit itanong mo pa po sa homeroom teacher namin. Kumuha lang naman po kami ng gamit para umuwi na. Wala po kaming ginagawang masama dyan, Ma'am."

"Tsaka Ma'am, alam ko na po kung sinong kumuha nyan. Lagi niya naman kasi akong sinisiraan."

"I didn't mention any name, Ms. Mashima."

"I know kung sinong gumawa nito. Si Christine Cervantes ba ma'am? At Melody Sy? Matagal na po silang may galit sakin, ma'am eh. Hi-Hindi nila ako pinipigilan dahil... Dahil gusto nilang maging miserable ang buhay ko."

Hindi ko na napigilang umiyak.
Those b*tches! Punong-puno na talaga ako!

"Ma'am, hindi kami guilty. Di rin kamj tatangging kami ang nasa picture na yan. Pero sinabi na ho namin yung totoo. Buti sana kung--- kung nakahubad kami at naghahalikan o ano sa picture na yan." -Trystan 

"If that's the case then-- okay. Pero hindi pa 'to tapos, kakausapin ko pa muna ang nagbigay sakin nito. And I have the right to remain silent. You're dismissed."

"Ma'am di ba namin pwedeng ireklamo kung sino man ang kumuha ng picture na 'yan?"

"Unless you have any proof. Kung ano man ang ugat ng issue niyong yan, wag niyong idadamay ang reputasyon ng school. Maliwanag?"

"Okay po, ma'am. Thank you po."
"Mauna na po kami. Maraming-maraming salamat po."

"Sige." 

Lumabas kami at sobrang init na ng nararamdaman ko. 

"Di ko na siya hahayaang siraan ulit tayo, kin."
"Puny*ta. Papano kung naikalat na yun sa buong school?"

"Makakatikim siya kung ganon. Kin, di ko na makakayanan pag yun eh lumabas pa. Ayoko nang hayaan siya na apak-apakan lang ako, tayo. Ayoko nang magtiis, kin."

"Gawin mo kung anong gusto mong gawin, pero siguraduhin mo lang na di ka madadale, okay?"

Tahimik akong naglalakad hanggang sa nakabalik kami ng room. Nagsusulat sila ngayon at pinapasok naman kami ni Sir.

"San kayo galing?"
"Kinausap pi kami ng POD."
"Okay. Take your seats. You only have twenty minutes to write on your notebook"
"Yes, sir."

Nagsisitinginan sila samin. Tiningnan ko ng masama si Christine at Melody.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now