Chapter Fourty Seven

120K 3.7K 418
                                    

Musika's POV

"Meeting raw mamayang four o'clock para sa nomination of class officers."
Announce ng kaklase namin.

Tahimik lang akong nakaupo. Binibilang kung pang ilang hinga ko na 'to.

Bigla akong hinatak ni Trystan dahilan para pagtinginan kami at tumungo kami sa hagdan.

"Musika."
"Ano ba? Hindi tayo pwedeng lumabas within class hours. Idadamay mo pa ako."
"Mag-usap tayo. We need to talk."
"Nag-uusap na tayo."
Bumuntong-hinga siya.
"Seryoso nga."
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon?"
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan nung nakilala kita kahapon ah."

"That's the point, hindi mo pa ako gaanong kilala."

*beep!*

Chris C.
Just don't trust him, okay?

Nababagabag talaga ako sa sinabi ni Chris. I really have to know what's going on.

"Tungkol kanina..."

Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin.

"2 years ago, naging girlfriend ko si Melody. Actually, namukhaan kita nung nagpakita ka ng litrato sakin kasi lagi ka niyang kinukwento---"
"Eh ba't wala siang naikwento sakin?"
Wala talaga, walang talaga siyanv kwentang kaibigan. Ang dami niya pa palang tinatago sakin.
"Kasi gusto niya munang isikreto sayo. Kasi nag-promise raw kayong walang boyfriend muna until college."
"Ah, talaga?"
Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba ang mga sinasabi ni Trystan.

Naaalala ko tuloy yung ginamit rin ako ni Kenji para kay Melody... Nakakapanlumo.

"Wala ngang ibang nakakaalam kundi yung mga parents lang namin eh. Secret relationship pag nasa public."

Di ako umimik.

"Nabigla nga ako na ikaw pala talaga si Musika, yung nakikita ko sa pictures niyo ni Melody sa phone."
"Alin ang point mo dun?"
"Nililinaw ko lang. Baka kasi magtaka ka."
"O, tapos? Ba't nga pala kayo nag... break?"
"Kasi..." Nakayuko lang siya.
"I got into a group fight. Dahilan para ma-kick out ako sa school ko kasama ang mga involved."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

"Honestly Mika, hindi ako taga ANHS. Sa SA ako galing."
"Saint Aqua Academy?"
"Oo. Sorry, I lied before. Ayoko kasing malaman mo yung nagawa ko pero... You have the right to know naman eh."

Woah... Is he even real? Medyo natatakot tuloy ako dahil may background siyang gang fight. Hindi ko pa talaga kilala si Trystan. Ano pa bang mas malubhang bagay ang malalaman ko tungkol sa pagkatao niya? Kinikilabutan tuloy ako.

"Anong... nangyari?"
"Pag kinwento ko sayo, baka umiwas ka na sakin eh."
"Depends. Unless sasabihin mo ang talagang totoo." I crossed my arms.
"Dahil sa isang laro, nagkaroon ng gulo pagitan samin ng nakalaban namin sa isang tournament tapos---"
"Tournament? DOTA na naman ba 'yan?" Natawa siya.
"Oo. Ba't mo alam?"
"Eh yung mga kaibigan kong kaka graduate lang rin dito, bukambibig nila yan lagi eh. Tsaka ang Kuya ko rin, gamer."

Natahimik siya.

"Yun na nga... Na-kickout kami last shool year at hindi na kamu pinayagang makapag enroll ulit dun. Kahit isa ako sa mga nagdadala ng pangalan ng school namin tuwing may National Quiz Bee o kung ano mang event, hindi na nila ako tinanggap. Kaya ang laki ng away namin ni Mama. Nag-aaway din sila ng step Dad ko dahil sakin, dahil sa nangyari. Kaya andito ako ngayon. Kung di lang dahil sa grades ko, di naman ako makakaaral na ng 4th year eh. Ang dami naming inasikaso para dito. Kung san san kami umabot. Kaya mula nuon, tumigil na 'ko sa pagdo-DOTA. Nag focus nalang ako sa music."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon