Chapter Fourty Two

104K 2.9K 277
                                    

Musika's POV

Di lang mga studyante at mga kaklase ko ang nagulat kundi pati na rin ang mga teachers.

Funny thing is, nung inisa-isa kaming magpakilala ay gulat na gulat sila at pinaulit pa sakin ang pangalan ko't kung ako nga ba raw talaga si Musika Mashima na mataba nuon.

Hanggang sa paglabas ko ng room at paglakad papuntang canteen ay pinagtitinginan parin ako. Bahala sila sa kung anong iisipin o sasabihin nila. Basta buhay ko 'to. Problema ko na 'to at hindi sila ang bumubuhay sakin. Di ko na sila hahayaang apakan ako. Never again!

***

"Musika? Talagang ikaw na 'yan?!" Inalog-alog pa 'ko ni Kenji na nanlalaki yung mga mata. Pinapunta daw siya nila Jessa dahil nagpakita na ako. Akala daw nila kung ano nang nangyari sakin at akala nila nasa Japan daw ako.
"Siguradong magugulat si Eazer pag nakita kang ganito!"

School mate lang din sila nila Kuya at Eazer.

At si Russel nga din pala, grumaduate na. Mataba pa 'ko nung pumunta ako sa graduation niya sa ANHS.

Nakakainis nga kasi dahil kay Leny, nakapag-papicture ako sa kanya. Ang AWKWARD nun, grabe. Isang malaking motivation rin na magpapayat ako kasi ni hindi niya ako kinausap. Hinatak lang siya ni Leny para daw mag picture kaming dalawa. Pinagbigyan niya lang talaga si Leny. Wala ring alam si Leny sa nangyari samin.

Napangiti ako nang maalala ko yun. 

The most awkward and embarrassing part was nung siya pa ang humabol sakin kasi nga tumakbo ako to get rid of Leny's friends na pinuntahan talaga si Russel sa stage dahil may magpapa-picture daw at nung makita kong pababa na ng stage si Russel, tumakbo agad ako papuntang hallway sa studying area nila na katabi ng gym.

Di naman ako pwedeng tumakbo talaga all the way sa exit ng school kasi masyadong maraming students with their parents and everyone at wala na kong nagawa kundi ang tumayo nalang sa likod ng puno at nahanap naman nila 'ko tapos I saw Russel running towards me. Magmukha akong t*nga talaga. Huhuhu!

May tatlong pictures kami. Yung isa ay inakbayan niya pa 'ko dahil yun nga ang utos nila. 

SOBRANG NAKAKAHIYA.

I hope nakalimutan niya na yun. 

"Wuy? Napapangiti ka?"
Kinakaway ni Kenji ang kamay niya sa harap ko. 
"Ah wala, may naalala lang."
"Yiieee! Ano yun?"
"Wala."
"Grabe lang. Di ako makapaniwala! Wew!" 
"Hoy hinaan mo nga lang boses mo. Nakakahiya!"
"Well you should be proud, you know."
"I know. Pero nakakahiya parin."
"Heh." 

Dumeretso na kaming canteen and still, all eyes on me. 

Siguro ilang days pa 'kong maging chismis sa school na 'to.

"O, kamusta naman yung bagong Musika?"
"Sobrang sarap sa feeling, Kenj. Magaan, mabilis na akong kumilos. Basta!"

Nagtaka ako nang nilapit ni Kenji ang bibig niya sa tenga ko. 

"Gano kasarap?"
"Huuuuuyy Kenji! Hentai ka na ha!" 
"Oy di ah!" Tinakpan niya ang bibig ko. 
"Eehhh. Di raw. "
"Joke lang eh."
"Hahahahaha hentai!"
"Hindi nga!"
"Hahaha weh."
"Kiss pa kita dyan eh."
"Ew, lumayo ka nga."

Umorder lang ako ng salad at calamansi juice.

"That is so not you, Musika."
Nagulat ako nang marinig ko kung sino yung nagsalita.

Lumingon ako sabay sigaw.

"Waaaahhh! Cha, Jes, Joyce!"
Isa-isa ko silang niyakap at nag-group hug muna kami. 
"I hate you! Akala namin kung ano nang nangyari sayo! " Sinapak ako ni Joyce. 
"Sabi ng Kuya mo nasa Japan ka raw kaya naman hindi ka ma-contact!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now