Chapter Sixty Eight

90.3K 2.1K 301
                                    

Musika's POV

"Mika-chan, anata wa sudeni tabete kudasai darou ka? Dake demo, choshoku nomi."
(Pwede bang kumain ka na? Kahit breakfast man lang)

Inilapag ni Mama ang breakfast in tray at kinuha ni Kuya ang table bed.

"Mama wa, futatabi watashi no shokuyoku o ushinai mashita."
(Ma, wala na naman po akong gana)

"Sa tingin mo ba, matutuwa si Melody sa ginagawa mong 'yan?"

Si Melody...

"Kanojo wa, anata ga sore no izureka o tabenai baai wa, anata ni okonni narudarou."
(Magagalit yun pag hindi mo kinain ang mga iyan) Tinapik ni Kuya ang balikat ko.

"Anak, you haven't eaten since yesterday."

Yesterday...

Inilibing si Melody kahapong umaga.
Naaalala ko nung pinalipad namin ang puting balloons.

"Anak, please..."

Umiiyak na naman ako. Napapasabunot ako sa buhok ko tuwing napapaiyak ako at napapaisip kung bakit di man lang sya nagpaalam sakin. Kung bakit di ko man lang siya kinausap. Galit na galit ako sa sarili ko...

Kung bakit di man lang niya ako sinabihan.

Tiningnan ko yung envelope na may lamang sulat na pinapabigay niya.

Di ko pa siya nabubuksan. Naiiyak ako tuwing minamasdan ko ang red heart na nakadikit sa envelope.

Hanggang ngayon, ginugulo ako ng konsensya ko. Bakit pati friendship namin, binuwis ko? Ang selfish-selfish ko!

Ang selfish ko...

"Anata wa kanojo no shimai no yo ni natte imasu. Dakara... anata ga kanojo to issho ni takusan no omoide o kyoyu shite irunode, anata ga riko tekidearu koto o kangaeru bekide wa arimasen."
(Para ka na niyang kapatid. Kaya wag mong iisipin na selfish kay dahil marami kayong memories sa isa't-isa.)

"Demo... I fought with her, I've hurt her feelings instead of letting her cherish her existence. Watashi wa totemo zankoku desu!" (Pero...) (Ang sama-sama ko!)

"Wag mong sabihin 'yan anak kasi hindi ka ganung tao."

"Siguro that's the way of saying good bye to each other... but not in a good way. Suisoku shimasu ka." (Sa tingin ko)

"Kuya naman eh."

"Sige ka, magpaparamdam yun pag di ka pa kumain. Breakfast is the most important meal of all, you know."

Pinunasan ko ang mga luha ko at nginitian sila.

"Arigato ne, Okasan, Ani." (Salamat Ma at Kuya ha)
"Kung may gusto ka pa, tawagan mo lang ako ha?"
"Opo..."

Umalis na si Mama pero si Kuya nagpaiwan.

"May bisita ka sa labas. Pero ubusin mo muna 'yan."

Naramdaman ko tuloy na gutom na gutom na ako. Nilantakan ko nalang ang hotdog and eggs tapos may tocino pa.

"Sinong bisita? Alam mo naman na ayoko muna ng kausap."
"Kausap mo nga ako eh."
Tiningnan ko siya ng masama at tumawa lang siya.

"Wala ka talagang pinipiling oras noh. Lagi mo nalang akong inaasar."

Kinuha niya lang yung tinidor ko at kumuha ng pancake

"Eehh! Akin 'to, eh!"
Napanguso ako.
"Damot! Magpaluto ka nalang ulit."
"Ikaw kaya magpaluto dun."
"Sige ka, mumultuhin ka ni Melody kasi ang sama-sama ng ugali mo."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon