Chapter Fourty Three

109K 2.9K 163
                                    

Musika's POV

"Sorry, miss." Inalok niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

Nakakainis itong kung sino man 'tong bumangga sakin! Nadumihan pa ang uniform ko. First day of school, minamalas pa pala talaga ako dito?

Sarap lang tadyakan eh! Badtrip!

Nakakabwi---

"Okay ka lang ba?"

What.....

"A-Ah o-oo, o-okay lang, okay ako. Hehehehe!"
"Nagtatagalog ka naman pala."
Ngumiti siya and... I suddenly felt butterflies in my stomach.

"O-oo."
"Anong pangalan mo?"
"Musika."
"Ang ganda ng pangalan. I'm Trystan by the way." He offered a handshake. Nahihiya pa akong makipag kamayan.
"Ang lamig ng kamay mo. Sigurado kang okay ka lang? "

Eh kasi nahihiya ako sayo!

"Na-nagulat kasi ako eh."
"Pasensya ka na nga pala. Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman. Don't worry!"

SANAY NA AKO.

Ngumiti siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Transferee ka?" Tanong ko.
"Ah, oo eh. Actually, kaka-enroll ko lang."
"Oh. Saang school ka ba galing?"
"ANHS."

Baka kilala niya din si Russel... Baka nga tropa niya pa yun. Hmmm...

"Oh, welcome na welcome ka dito."
"Hinahanap ko nga ang room para di na 'ko malito next time eh. Nabangga pa tuloy kita." Hawak-hawak niya ang documents niya.
"Pauwi ka na rin?" Tanong ko.

Wala lang. Ano ba, parang gusto kong wag na kaming maghiwalay. Charot lang!

"Oo eh, ikaw ba?"
"Yep. Hinihintay ko nalang sundo ko. Wait, anong year ka?"
"First year."

Nagulat ako.

"HA?!"
"Hahaha! Joke lang! Hulaan mo?"
"Fourth?"
"Yep. Sa fourth floor ang sections diba?"
"Oo. Anong class ka ba?"
"Ikaw, anong class ka?"
"Pag ikaw ba tinatanong, tanong rin sagot mo?"
"Ikaw ba?"

Di ako umumimik at inirapan siya.

"Hahaahahahahaha!"

Napanguso ako na nakasimangot.

"Huy, joke lang. Ambilis mo namang magalit."
"Nagtatanong kasi ako ng maayos."

Nasa labas na kami ng gate.

"Andyan na pala sundo ko. See you around."
"Sige, Musika. Ingat. Nice to meet you nga pala."

Wag kang ngumiti sakin, please... Natutunaw ako!

"Likewise. Sige, ingat ka rin."
I smiled with all my strength. Joke lang.

"Sige..." Naglakad siyang paatras habang nakatingin at nakangiti parin sakin. Naiihi na nga 'ko at parang natatae na ewan.

The same feeling when I first saw Russel na kumakanta sa stage at nakita siya ng mas malapitan.

"Sige." Ang init ng mukha ko.
"Sige."
"Okay." Di parin siya tumatalikod at paatras rin akong lumalapit sa sasakyan ko.

"Huy, may mababangga ka!"
Baliw na Trystan. Nabangga niya tuloy yung babae.
"Ay hala!"
Nag-sorry siya sa studyanteng nabangga niya at kasalukuyan na ring napatulala sa kanya.

"Sorry, sorry."
"Lahat at ng studyante dito, babanggain mo eh."

Hahaha cute!

Ngumiti na parang t*nga lang yung babae at parang tuod sa likod niya. Napatawa ako.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα