Chapter Twenty Nine

94.6K 2.8K 573
                                    

Musika's POV

"Thanks for your time, Eazer."
"De, okay lang."
"Sige pre, una na kami."
"Sige ingat, pre."
"Lablab."

Natawa ako kay Kenji nang yayakapin niya sana si Eazer pero tinakpan nito ng kamay niya ang mukha ni Kenji at dahan-dahang tinulak. Hahaha!

"Gag* ka magkatabi lang tayo ng upuan. Five minutes nalang, bell na."

Nagsitawanan kami.

"O, ihahatid niyo ba ako?"
"Obvious ba, boss?"
"Baliw. Sabay naman tayong aakyat sa hagdan. OA ka na Kenji, ha."
Ano kaya trip ni Kenji at parang ewan sakin.
"Nilalanggam ako sa inyo. Tigilan niyo nga 'yan, please." Napatawa kami kay Eazer.

"Kenji, anong trip mo?
"Ang alin?" Napahinto kaming dalawa kaya lumingon si Eazer.
"Mauna ka na muna, pre. Susunod ako kaagad."

Ba't naman parang umiba ang ihip ng hangin?

"Tama na, Kenji."
"Tama?"
"Tong pagpapanggap mong 'to."

A part of me is...

"Ano?"

Sige Mika sabihin mo na para di ka na umasa.

"Na may gusto ka sakin. Tama na 'to Kenji."
"Sige."

Hindi ko inexpect ang sagot niya. Umiwas siya ng tingin.

"Anong...sige?"
Hindi ko alam kung tatawa ba ako.
"Tama na nga' tong pagpapanggap kong 'to." Naglakad siya. Sumunod naman ako, hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan. Paakyat na kami ng hagdan ngayon.

"Actually Mika, ginagawa ko 'to para pagselosin sana si Melody. Kaso parang wala naman siyang pake. "

Napahinto ako ng paglalakad.

"Melody?"

Lahat nalang...

Wala naman akong gusto kay Kenji eh. Alam niyo yung masakit? Kung ano yung masakit? Kung bakit kumikirot 'tong puso ko ngayon?

I ASSUMED.

I assumed that someone like Kenji might actually like me without looking on my physical appearance.

But I was wrong.

Really wrong....
Ginamit lang pala niya ako all this time? Acting lang lahat ng 'yon?

"Akala ko magseselos si Melody pero parang malabo." Tumawa siya.

"Sorry ah?"

...

....

.....

"Ang sama ng biro mo, gag* ka din pala." I smiled at him then ran away. Nasampal mo na siya, Mika. Okay na yun.

Di niya naman ako hinabol. Sino ba 'ko para habulin niya?

He just used me anyway.

Manggagamit.

Akala ko pa naman talaga...

***

11:56 PM

Ilang oras na 'kong naka online sa Facebook at di ko na mabilang kung ilang status o posts na ang mga nabasa at nai-like ko.

May quiz kami bukas tapos sisimulan na namin yung project namin. Wala akong gana.

Nakakainis! Ayokong makita ang pagmumukha ng baitang yun!
("Baita"- wh*re/b*tch)

Di ko na 'to kaya. There's only one thing that could make me calm and forget this. I grabbed my guitar then tried to think of a song.

Hmmm...

Gagawa nalang ako ng cover tapos post ko sa YouTube at Facebook.

I started plucking.

"Tulala lang saking kwarto... At nagmumuni-muni. Ang tanong sa'king sarili, san ako nagkamali? Bakit sa iyo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho..." 

Napatigil ako sa pagtugtog at natulala saglit. Ang sakit eh. Di ko naman dapat maramdaman 'to pero ang sakit umasa.

"Porque contigo yo ya eskuhi? Ahora mi corazon ta supri. Bien simple lang iyo ta pidi... Era cinti tu el cosa yo ya cinti. Ta pidi milagro bira'l chempo. El mali ase derecho na dimio reso ta pido yo... Era ulvida yo contigo..."
Ngumiti ako then stopped recording. Hindi ko 'to pwedeng i-upload. Mali. Maling-mali.

Lahat mali.

Nagtataka din ako kung ba't ko kinanta yun. Dahil kay Russel? Oo.

Kay Kenji? Siguro? Ewan? Nge.

Tinabi ko nalang ang gitara ko at humiga. Ano bang magandang gawin para makalimot?

AAAARRRRGGGGHHH!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon