Chapter Thirty Nine

100K 2.9K 409
                                    

Musika's POV

Kaninang tanghali ay binisita ako ng iba ko pang kaklase. Natuwa nga 'ko kasi may mga nag-aalala pa palang iba sakin bukod sa mga kaibigan ko. Binisita rin ako ng iba kong kaibigan tapos mga teachers. Nagulat nga raw kasi sila at ano rawng pumasok sa isip ko ba't ko raw nagawa 'yon. Sabi ko lang, akala ko papayat agad ako. Ang dami ko ngang nakuhang advice sa kanila.

Sa ngayon, kasama ko sina Kenji at Eazer. Binisita nila 'ko. May dalang bouquet pa nga ang dalawa at ipapabayad rin daw nila sakin dahil malaki daw nagastos nila at napilitan lang! Wow ha. Eh di ko naman sila inutusang bilhan ako ng ganon eh. Talagang mahal lang nila ako! Hahaha "as a friend" ano ba.

Ang sweet ng dalawang to. Kung pwede lang jowain 'tong mga 'to eh noon ko pa ginawa. Ang kaso di naman nila ako type. Hahahaha!

"Oo, maganda talaga yung ginawa mo, Mika. Siguradong papayat ka na nga, mamamatay ka pa."

Asar itong si Kenji.
"Hoy, grabe ka naman!"
"Hahahaha! Sige lang, Mika pupuntahan ka naman namin sa lamay mo. Basta siguraduhin mo lang na masasarap ang meryenda ha? Sponsored by Starbuck dapat para dun na rin kami mag-aral. May libre pang kape."

Nagsitawanan kami nila Kuya.

"Kainis kayo. Binisita niyo lang ba ko para asarin, ha?"
"Ikaw naman, di mabiro."

Nagkwentuhan nang nagkwentuhan pa kami. Si Eazer nga panay tanong kung masakit ba raw yung pagtusok ng dextrose kasi di pa raw siya nakakaranas na maospital. Amazing ha.  Puno nga raw kasi ng bitamina ang katawan niya. Ganun ba yun? Hahaha!

"Yung bestfriend mo, wala ka talagang balak bisitahin?" Tanong ni Kenji.
"Ba, malay ko. Tanungin mo. May mutual feelings naman kayo nun eh."

"Ha? Mutual?"
Napaisip ako. Ooopss... Hindi niya pa pala alam na may pagtingin sa kanya si Melody.

"Ah basta pina-ban ko na 'yon dito sa ospital."
"May hindi ka sinasabi sakin, Mika ha."
Biglang nagseryoso si Kenji.
"You mean, may gusto rin sakin si Melody?" Hindi ako umimik. Kumain lang ako ng apple at sinawsaw ito sa sukang may asin.

"Ewan ko. Siya tanungin mo."
Badtrip. Naisingit pa sa usapan.
"Totoo nga?"
Oo, masaya siya. Syempre, crush niya eh. Edi kayo na may crush sa isa't-isa.

"Matagal na..."
"Yiiieee!" Pang-aasar sa kanya ni Eazer.
"Wag ko na muna siyang kausapin. Masyado pang magulo ngayon eh."
Pake ko sa inyo. Hmph.

"Good afternoon, po."
Napalingon ako kila Mama at Papa na kakarating lang at may dalang food. Pinagmasdan ni Papa sila Kenji at Eazer.

Nako, nako. Bakit ba pag lalaking mga kaibigan ko ang bumibisita sakin, nandyan rin si Papa! Eh mostly naman, late siyang pumupunta kahit na umuwi sa bahay sa sobrang busy. At marami rin syang business trips. Sobrang timing naman ata ngayon. Nakakahiya huhuhu!

"Mika-chan no gakko no tomodachi desu." (Mga kaibigan sila ni Musika sa school) Sabi ni Kuya kay Papa. Alam niya rin kasing masyadong conservative ang Papa ko.
"Domo." (Hello)
Nag handshake sina Kenji at Eazer sa kanya tapos umupo.

"Ah, uuwi na rin po kami Tita, Sir."
Paalam ni Kenji.
"Nako, kumain na ba kayo mga iho? May mga pagkain kaming dala. Join us?"
"Ah, salamat nalang po. Hinahanap na rin po kasi kami sa bahay."

"Ma, Pa. Si Eazer nga pala. Senior din namin. Kaklase ni Kenji at kaibigan ko rin."

"Tomodachi ga takusan iru nante shiranakatta, ne." (Hindi ko alam na marami ka rin palang lalaking kaibigan)
Sabi ni Papa sakin pero nakangiti.
"Ne, Papa. Anata wa Mika-chan ga dorehodo yuko ekide shinsetsu ka shitte imasu. Mika-chan ni gakko no tomodachi ga takusan ite yokatta desu. Ne?" (Pa, alam mo naman na mabait at malapitin ng mga kaibigan si Mika. Masaya ako dahil marami siyang kaibigan sa school)

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon