3. Flying Chances

4.7K 217 39
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


UMUWI MUNA ako sa condo ko na malapit sa Harrison Plaza para maligo. Hindi dapat ako maliligo kung hindi lang ako amoy-spices. Kailangan ko kasing mag-check ng kitchen area ng Purple Plate kung sakali mang mag-inspection si Rico ng café ko. At hindi ko naman balak makipag-meet sa investor nang nangangamoy-kusina.

Enrico Dardenne is rich as hell and made it into the top ten richest men in the country. He is famous and influential, and I am that woman who turned down his multi-million peso offer out of pride. Gusto niya kasing bilhin ang favorite coffee recipe ko. Never kong na-imagine na pati ang anak niyang si Ronerico Dardenne, magbibigay rin ng million-peso offer para sa café ko. Napapaisip na ako kung gawa ba ng barkada ni Rico o ng daddy niya ang dahilan kaya siya pupunta sa café ko para mag-alok ng investment today. Ang off kasi talaga ng timing.

Nagbihis ako nang mas pormal. Naka-tuck sa black slacks ang pulang long-sleeved button-down shirt na suot ko. Nagbawas din ako ng makeup. Face powder at lip balm lang ang ginamit ko. Hindi ako interesado sa kahit anong relationship ngayon kaya ayokong magbigay ng kahit maliit na motibo. Lalo pa sa mga gaya nina Rico, kapag nagpaganda ka, ibig sabihin, interesado ka.

Bumalik din ako sa Purple Plate after an hour. Nakuha ko pa ngang sumilip sa kabilang coffee shop para tingnan ang mga customer nila. Lima-lima ang SB na malapit sa amin kaya mabuti at nakakasabay ang coffee shop ko. Mahirap ang competition, and I'm this lucky lady na humahabol sa kanila. Half past five na nang makabalik ako sa café at marami pa rin ang customer sa loob.

Pumasok ako ng Purple Plate at tumapat sa marble counter, ipinatong ko roon ang magkabila kong palad saka sumigaw mula sa labas na aabot hanggang loob ng kitchen. "People, we have an investor today! You know what to do!" I said to my people.

"Yes, Miss Jaesie!" they said in unison.

"Oooh! Investor!"

My forehead creased upon hearing that manly voice. Lilingon na sana ako kaso may sumulpot na kamay sa kaliwa ko na may hawak na white rose. "Rose for you, Miss Rosenthal."

Natawa ako nang mahina at kinuha ang malaking rosas na maganda ang pagkakabukadkad. "Arthas, akala ko ba . . ."

"I just want to visit you again today before I go." Hinawakan niya ang mga balikat ko para ipaharap sa kanya. "For sure, I'll have a hard time making up with Myles. Hindi muna kita makakausap kasi malamang na gusto niyang sa kanya muna ang atensiyon ko."

I examined his face, from his sincere brown eyes to his high-bridged nose. I averted my gaze before I went down to his thin lips. Baka kasi hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya kung tititigan ko pa.

"It's all right," I said, keeping my tone as casual as possible. "Myles's your life now. I don't think you need to waste your time here with me."

His facial expression suddenly changed after my eyes met his. Nagalit yata sa sinabi ko dahil nagsalubong na ang malalago niyang kilay.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now