68. The Spoiled Siblings

3.8K 220 12
                                    

Gusto ko talagang sabihing sobrang yabang ni Rico at some point in time kahit na wala pa siyang ginagawa. Tipong nakaupo lang siya sa couch, nagbabasa ng recipe, namamapak ng ubas, habang nakasuot ng simpleng light blue T-shirt na XXL ang size kahit XL naman ang madalas niyang isuot at maluwang na stripes pajama. Yung tipong mukha lang siyang matutulog na lang kahit naka-reading glasses pa at kahit nananahimik lang siya, nayayabangan pa rin ako sa kanya.

At dahil Sabado, nasa bahay niya kami sa P. Rod. Ako na ang nag-insist na huwag matutulog sa toy land niya dahil may sumpa talaga ang Snorlax bed. Sabi niya, okay lang since ako naman ang may gusto. Kahit saang bahay naman, okay siya basta naroon ako at hindi kami magkaaway.

Ilang oras na kami sa sofa, alas-diyes pasado na. Nag-iisip pa rin kami ng magandang recipe na ilalabas sa business summit by next month.

Well, apparently, the conflict was not what to make a recipe. Rico loves experimenting when it comes to food—work niya kasi before sa company ng dad niya—kaya ilang araw na rin siyang gumagawa ng formula. And he came up with seven delicious coffee na nahihirapan akong piliin ang top 3. Of course, ako ang pipili kasi hahaluan ko na ng brand ko ang initial formula niya, at ako rin ang magdadala ng pangalan ng gawa naming dalawa. Technically, it would be collaborative work between us. And first time kong gagawa ng recipe na may kasama ako.

Nayayabangan ako sa kanya kasi masyado na niyang ginagalingan. Hindi naman niya ako sinasapawan sa role ko—na isa sa pinakanagustuhan ko sa kanya. He would keep his hands off kapag sinasabi kong hindi ko kailangan ng assistance. If I need him, he'll provide.

Naiinis ako kasi wala siyang effort magtrabaho, pero sobrang innovative niya. Ang mga bagay na pinagpapawisan ko, tinatawanan lang niya habang ine-enjoy. Aware naman akong di-hamak na mas malawak ang background niya sa food industry, at supported siya in all aspects since doon umiikot ang family business nila, pero nakakainggit lang din kung minsan. Effortless kasi.

Ayokong sabihing sinasamantala ko ang pagiging asawa kay Rico, pero sinabi ko naman kasing babayaran ko ang service niya. Siya lang ang may ayaw magpabayad kasi nga raw "asawa" niya naman ako at owner siya ng Cebu branch. Alam ko namang mayaman na siya, pero kaya nga siya yumaman ay dahil may trabaho siya at iyon ang babayaran ko dapat.

Last February, hiningi ko ang professional service niya as a food specialist. I paid him five thousand pesos for a three-hour appointment (and nine thousand plus for our meal). And since I needed him everyday, let's say na nakatipid ako ng five thousand pesos daily for professional fee.

We were on our third day at kinse mil na ang hindi ko kailangang idagdag sa cost of expenses ng Purple Plate dahil kay Rico. At dahil araw-araw ko naman siyang kailangan sa café hanggang September 9, sa araw ng Summit, mukhang makakatipid ako ng 100,000 pesos para sa professional fee at café expenses. At mukhang malulugi si Rico ng 100,000 pesos for professional fee at service income.

Pareho kaming money conscious, pero gusto ko siyang bayaran bilang kliyente sa mga hired professionals kahit pa asawa ko siya. Trabaho niya ito e. Kaso talagang ayaw niya. Sinasabi lang niyang bawiin ko na lang next time, at hindi ko alam kung kailan at paano ang next time na sinasabi niya.

Kung oras ko kaya?

Buong araw na nga kaming magkasama kung minsan. May ibang araw na nakaka-survive kaming ilang oras lang nagkakausap at meron ding dinner at pagtulog lang ang bonding time namin. And I don't think bonding time pa ang pagtulog.

Kung kaluluwa ko naman? Ano siya, demonyo?

Hindi ko talaga alam kung paano siya babayaran dahil ayokong umasa sa libre.

"Rico, pagagawan na lang kita ng voucher kay Shiela para may bayad ka sa assistance," sabi ko. Nakasandig pa rin ang ulo sa sandalan ng couch paharap sa kanyang busy sa pagbabasa ng recipe.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now