7. Busy Bees

4.9K 245 88
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SANAY AKONG nakatatanggap ng indecent offers. One-night stand, an intimate dinner, or whatever. Hindi 'yon bago. But I never tolerated some men na nagbibigay ng ganoong offer lalo kapag aggressive. Pero ibang level ang offer na ibinibigay ni Rico sa akin to think na nag-offer siyang maging boyfriend ko.

"Binili pala ni Daddy ang isa mong recipe kaso tinanggihan mo," pagpapatuloy niya sa sinasabi habang palipat-lipat ang tingin: sa sinasalin ko sa plato at sa mukha ko.

"Ipapa-patent 'yon ng The Dardennes. Wala akong mahahabol doon," katwiran ko at inilapag sa harapan niya ang niluto kong breakfast para sa aming dalawa.

"Smart," nakangiting sagot niya. "You're right. Tawa nga ako nang tawa nang malaman ko 'yon. Sobrang rare kasi ng mga tumatanggi kay Daddy to think na six million ang first offer niya sa isang recipe lang."

"Priceless ang recipes ko," sabi ko habang nagsasalin na ng brewed coffee para sa kanya.

"Graduate ka ng entrepreneurial course, right? You didn't take any culinary courses?" he asked after I placed his coffee on the counter beside his plate.

"Sa proper school, nope. Pero during college days, meron kaming research centers sa province, doon kami nagpo-formulate ng mga recipe or project na puwedeng ibenta. But one of my managers is a chef na nagtuturo sa international culinary school. She's teaching me the technicalities of everything. I heard graduate ka ng Nutrition and Dietetics."

"Yes. I'm licensed."

"Wow, surprising."

Doon na lang ako kumain sa may counter katapat niya nang hindi man lang kumukuha ng upuan. Wala namang kaso kung nakatayo ako.

Bumagal ang pagsubo ko habang pinanonood siyang tikman ang niluto kong wala namang espesyal since fried lang naman 'yon.

Akala ko, magbibigay siya ng comments tungkol sa breakfast kong mamantika pero tahimik lang siya kaya nagtanong na ako.

"Bakit mo pala planong i-franchise ang café ko?" curious na tanong ko. "Ayaw mong mag-SB?"

"Masyado lang demanding si Daddy pagdating sa trabaho, so I thought, if ever I make my own business, wala na siyang sasabihing kung ano sa akin."

"Mataas ba ang expectation para sa anak ng isang Enrico Dardenne?"

Bigla siyang natawa nang mahina habang napapailing. "Food analyst ako sa company ni Daddy. Lahat ng expectations niya, na-meet ko na. I exceeded some of it. Pero na-curious lang talaga ako sa pag-decline mo sa offer niya. Nagkataon pa na sinabi kong magre-resign ako as analyst sa company niya to rest. Hindi siya pumayag kung magbabakasyon lang naman ako, that's why I considered your café a starter. May manager na akong nakuha, so I can rest while earning habang inaasar siya." He smiled sweetly at me while chewing his food.

Ang weird naman niya. So, hindi nga talaga siya kumikilos nang iisa lang ang dahilan.

"Hindi ako nagpa-franchise, Mr. Dardenne," katwiran ko.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon