29. The Toy

3.5K 202 27
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


IT WAS really weird to see how civil Rico was in front of Arthas kahit na ilang beses nang nagkasamaan ng loob ang dalawa. Si Rico nga lang ang sinabihan ni Arthas na hindi siya boto daw dahil nga raw masama ang ugali out of those fifty plus guys I've been with before.

I would admit that Rico is overwhelming most of the time, but he was just stating the truth. Alam ko namang masakit din talagang marinig ang katotohanan kung minsan.

Hindi ako nagkamali nang maghinalang kaya natagalan si Melanie sa pagse-serve ng simpleng cake ay dahil talagang pinaghandaan niya ang plating.

Sa platito ko, may isang generous slice of caramel-drizzled choco-mocha cake at katabi ang isang dessert fork. Ang kay Rico, isang maliit na version ng malaking cake kung saan hiniwa ang sa akin. At hindi lang caramel ang nasa drizzle, may chocolate syrup pa at may cute na chocolate slices na nakatusok sa palibot ng gilid. May nakasulat pa sa ibabaw na "Enjoy, Mr. Dardenne" gamit ang strawberry and white chocolate drizzle.

"Magkalasa lang 'yan, Jae," nakangising paliwanag sa akin ni Melanie nang tingnan ko siya nang masama. Feeling ko, kung papipiliin siya between Rico and me; wala nang isip-isip, Rico na agad siya.

At dahil naabisuhan na siya sa kitchen pa lang na kasama namin si Arthas, mocha slice lang ang ibinigay niya dahil 'yon ang paborito nitong kainin kapag masama ang loob.

"She's really sweet," nakangiting sinabi ni Rico nang tikman ang handa ni Melanie sa kanya.

"Maumay ka sana," pairap kong sinabi bago binalingan si Arthas na balisa pa rin sa sarili niyang cake na higit na simple kaysa sa bigay ni Mel sa amin ni Rico. "Art, sigurado kang wala kang ginawang mali?"

Iling lang ang isinagot ni Arthas sa akin habang tinutusok-tusok ng maliit na tinidor ang cake niya.

Nakakarami na akong buntonghininga habang nakatingin sa kanya. Honestly, this wasn't the first time I saw him like this. Ganyan din siya noong umamin siyang gusto niya si Myles. At mukhang gaya ng nangyari dati, mukhang magmamakaawa na naman ako sa best friend ko na balikan na niya si Arthas as soon as possible.

Balikan niya si Arthas as soon as possible . . .

Tama ba ako ng sinabi?

"Hey, you okay?" Napatingin ako kay Rico nang magsalita siya habang iniipit sa likod ng tainga ko ang tumakas kong buhok sa kaliwang sentido.

Napahugot ako ng hininga habang nakatingin sa mga mata ni Rico na nangungulay ginto na naman dahil sa yellow light na nakatutok sa ibabaw namin.

Ang hirap nitong i-explain, pero gusto kong mag-thank you kay Rico without any particular reason. Nangingilabot ako sa iniisip ko, o baka biglang lumakas lang ang lamig sa puwesto namin kaya nagtatayuan ang balahibo ko.

"Gusto mo?" alok ko na lang sa isusubo ko sanang cake kaso natigilan ako dahil sa naisip ko kanina about Arthas.

Nagkibit-balikat lang si Rico at isinubo ang inaalok ko kahit na meron din naman siya ng kaparehong serving, at mas bongga pa nga.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now