52. Biggest Loser

3.1K 180 31
                                    

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.


PATRICK AND SHAI planned this weekend's hangout. Nagkataon lang na free ang buong barkada kaya itinuloy na nila.

They were talking about their experiences and some memories together. Some of them were already childhood friends since madalas ang meeting ng parents ng bawat isa locally and abroad. Barkada naman ang iba since school days, especially the girls. Not in the same course or schools, pero tambay sila ng mga bar. Naghalo-halo ang kuwento nila at alam ko, na pinagdikit-dikit ko na lang kasi bawat isa sa kanila, may fair share of experiences as one of the barkada members.

Si Ivory at ako ang hindi talaga part ng barkada. Common friend ako at si Ivory saka "old flame" din ako ng ilan—halos lahat—sa boys.

Shai is that curly red-haired girl na sobrang clingy sa lahat ng guys. Niyayakap niya ang lahat ng matiyempuhan niya, and they hugged her back. Madalas niyang yakapin si Rico sa buong maghapon mula pagdating nila, and I was expecting na makakaramdam ako ng selos, but as I stared at them, Rico looked at her like a sister.

Halos lahat sila, they looked at Shai na para bang bunsong kapatid siya na naglalambing sa mga kuya niya. At never ko pang nakita sina Calvin na tumitig sa babae nang walang malisya—kay Shai lang. Kina Wynn na kakilala ko sa girls, kapag ngumingisi sila, parang mananakmal talaga ng leeg.

Five in the afternoon, nasa itinerary na Sunday ang beach, kaya nag-stay muna kami sa pool para mag-swimming kahit na tanaw ang beach sa ibaba nitong cliff kung nasaan ang rest house. Wala naman kami sa danger zone, pero may enough space ang backyard para makita ang malawak na dagat gaya ng kung paano ko nakita ito noon sa Eagle Point.

Swimming, everyone was flexing their bods, at eto ako na kahit nakasuot ng white two-piece bikini ay hindi pa rin nakikisama sa kanila sa pool, suot-suot pa rin ang hiniram kong white T-shirt kay Rico. Mukha tuloy mini dress sa akin.

"Whistle" of Flo Rida was booming in the background, Patrick's flexing his well-toned muscle to everyone. At dahil likas na inggitero at ayaw palamang ng iba, they competed to see whose body made us girls drool—and I mentally chose Will.

They all have a nice build, but Will's body is something that could trigger any lady beyond 25's carnal desire. Same lang din ang katawan niya sa iba—six-pack abs, sturdy chest, and bulky biceps—but the way he moves his body, advantage talaga ang pagiging dance and gym instructor niya.

Part ng cheering squad before sa university si William, and that added the sexiness to his moves, lalo na kapag ginagamitan na niya ng swag ang bawat pitik ng katawan niya. And his "dancer" confidence is very hot. Especially the whole playlist booming on the speaker behind where I sat was full of dance songs. I can imagine him dirty-dancing later tonight.

God, mukhang mapapatago ako, a. Napakarupok ko pa naman sa magaling gumiling.

The song changed, napalitan ng Timber ni KeSha. And it's Will's turn to steal the spotlight from his barkada. He was raising his right arm and pointing to the sky. He was jogging in place, and after that, he showed us his swag moves.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum