33. The Client

3.1K 205 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NASA TAGUIG naka-locate ang boutique ni Myles. Palagi naman siyang umiikot sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas para sa events, wala nga lang sa listahan namin na pupuntahan niya ang Katipunan. Ang sabi ni Rico, along Esteban Abada raw ang location na nakalagay sa appointment. Sa isang fashion center namin nakita ang location, pero sinabing maghintay muna kami since may kausap pa nga raw sa isang meeting sa Verah Clothes si Myles.

Hindi ako fan ng fashion. Oo lang ako nang oo sa mga sinasabi ni Myles pagdating sa damit. Kung magmo-model man ako for her clothes, oo na lang din. Support lang sa kung ano ang gusto niya. She's been my best friend since we were in nursery school. Two decades na kaming magkaibigan. Kahit nga iba kami ng school after ng Grade 3, hindi nawala ang friendship namin. At kahit nga ano'ng gawin niya, hindi pa rin 'yon nawawala hanggang ngayon.

"Jae, dito muna kayo, okay lang?" tanong ni Rico nang akmang papasok kami ni Arthas sa fashion center.

The center didn't look sophisticated, sa totoo lang. Mukha lang 'yong isang mini mall sa Divisoria na wala pang tao. And I started to wonder why Myles was here.

"Kakausapin ko ang girlfriend ko, man," sabi ni Arthas na dederetso sana sa pagpasok sa loob.

"Man, please," pag-awat ni Rico at sinalubong ng kaliwang palad ang dibdib ni Arthas. "Kausapin mo pagkatapos ko."

"What?!" naiinis na tanong ni Arthas, halatang hindi makapaniwalang mauuna pa si Rico na kausapin si Myles bago siya. "Nandito ako para kausapin siya!"

"Nandito ako para kausapin muna siya. I was the one who scheduled the appointment." Itinuro niya ang sasakyan ni Arthas. "You stay in the car, you wait until we're done, then you talk to your girl."

"At ano'ng sasabihin mo kay Myles?" nagagalit nang tanong ni Arthas.

Hindi sumagot si Rico. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa, pinindot ang Bluetooth earpod na kanina pa nakasuot sa kanang tainga niya, saka tinawagan ako. "Listen."

'Yon lang at pumasok na sa loob ng center si Rico mag-isa.

Hindi ko siya nage-gets, sa totoo lang. I mean, I knew he was handling my life for now, pero hindi ko talaga siya nakukuha kung minsan.

I hopped into Arthas' car, and we waited for Rico's conversation with Myles. At mukhang maghihintay talaga kami sa sasakyan hanggang matapos sila.

"That man is exhausting," naiinis na sinabi ni Arthas habang marahang tinatapik ang steering wheel ng sasakyan niya. "Sigurado ka bang pakakasalan mo ang lalaking 'yon, Jaesie?"

"Art," pag-awat ko sa kanya.

"Can you tell that man you're with right now that I'm hearing everything, Miss Rosenthal?" sabi ni Rico sa naka-loudspeaker na phone kong nasa phone holder sa dashboard.

"That's intentional," sagot ni Arthas sa screen ng phone ko. "You really need to hear the truth, man."

My God. Ito na naman silang dalawa. I rolled my eyes and pinned my back to my cushioned seat.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now