67. Reconcile

3.7K 200 29
                                    

Rico loves playing, sabi ni Malevolent Mum, at habang iniisip ko ang and logic n'on, masasabi kong oo nga, tama naman.

Yet, Rico is that kind of player that doesn't play for fun. Or if he does, he will make sure that losing is not on the list of options. Sabi nga niya, natalo siya ng half a million pesos sa pustahan nila nina Clark, yet ang pinagpupustahan naman ang napunta sa kanya.

Bakit nga naman siya magse-settle sa sandaling oras kung puwede niya namang makuha ang habambuhay? I doubt na lugi siya sa half a million pesos lalo na kung nabawi niya iyon sa Cebu branch niya, at kumita pa siya!

Itong yabang niya, depende sa kung saan siya nagyayabang. Pagdating sa pagyayabang niya ng pera, naglalabas lang siya kapag kailangan niyang magpa-impress sa tao to that extreme level. Pero habang tumatagal na kasama ko siya, sa una lang ang yabang niya sa pera. Yes, he has his luxuries, aware na aware ako roon. But those things were his assets. Kapag ibinenta niya ang mga iyon, siguradong kikita siya. Aside sa mga laruan niya. Toy museum lang yata niya ang hindi ko makitang investment aside sa temporary escape niya sa adult world. If he was referring to spiritual and emotional investment to keep him sane in the middle of adulting responsibilities, then I wouldn't question the existence of his toy museum. Doon na lang talaga siya matulog whole day sa cursed Snorlax habang yakap si Mr. D kaysa naman mga babae ang pinaglalaruan niya at matulog na iba ang kasama araw-araw gaya ng barkada niya.

Okay, given na may nakatagong literal na kayamanan ang asawa ko, pero sobrang praktikal niya kapag usapang budget na. Kabisado rin ni Rico ang Divisoria. Tinanong ko siya kung paano siya napapadpad doon kung may department store o grocery naman. Ang katwiran niya, noong college days niya, doon sila bumibili ng materials and equipments kapag may laboratory sila para sa cooking at sobrang mura daw kasi roon kumpara sa high-end stores. Reasonable naman kasi bagsakan talaga ng magagandang items sa Divi na hindi nakikita sa malls. At mas magaling siyang mamili ng gamit kaysa sa akin lalo na kapag usapang "mura." Kaya siguro yumaman ito nang sarili niya. Ugaling kuripot.

"You know what, sobrang layo mo talaga sa barkada mo," sabi ko kay Rico habang pumipili kami ng woven baskets para sa display counter.

"How come?" I watched him examine the basket. Flat bottom iyon at puwedeng lagyan ng mga hard bread.

Kung normal siyang buyer na willing gumastos sa kahit ano, isang dampot lang, bayad agad—kaso hindi. Nakakalima na siya, at ayaw niya ng mga nauna niyang nakita kasi nga raw "may bali ang twig," "uneven ang bottom," "butas sa corner," at "sira ang handle."

Kaya siguro walang nakatagal na ka-date itong lalaking ito. Simpleng basket lang, napaka-choosy pa. Ayaw sa puwede na.

"Hindi ko natatangay ang kahit sino sa barkada mo rito before. I tried kay Pat, pero naghintay lang siya sa parking lot kasi ang dami raw tao, nagkaka-anxiety siya kasi may snatchers daw sa ganitong lugar."

"Totoo rin naman. Saka sana dati mo pa ako inaya para may kasama ka, di ba?"

"Hindi naman ho kasi tayo close, hello?" Inirapan ko agad siya at kumuha ng sarili kong basket.

He just giggled in his masculine version. I got to see the looks of the other ladies na kasabay naming namimili. Napatingala sila sa kanya.

Sino ba kasi ang hindi mapapatingin kapag tumatawa siya?

"Yes, hindi nga tayo close," sabi pa niya sabay lapit sa akin para bumulong direkta sa tainga ko. "Kaya pala kahit bad trip ka sa 'kin, bigla kang nanghalik sa pool."

"Hoy, excuse me, Mr. Dardenne!"

Napahalakhak pa siya kaya lalo siyang pinagtinginan ng mga nasa paligid. Napatakip agad ako sa mukha dahil sa hiya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now