43. Hide and Seek

3.6K 200 35
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SA TOTOO lang, parang ayoko nang pumunta ng ospital para makita si Arthas. Hindi rin ako sure if Myles was there, pero ayoko pa talaga munang makita ang kahit sino sa kanila. But I didn't want to tell that to Rico since sinabi na rin niyang mukhang hindi pa okay ang dalawa. Quarter past nine in the morning nang makarating kami sa Makati, doon sa ospital kung nasaan kami kahapon. Umuwi raw si Melanie alas-dose na ng gabi. Nakonsiyensiya tuloy ako kasi wala namang kinalaman si Mel dito pero naabala siya. Mas nakaka-guilty pa dahil late akong nagising dahil sa sarap ng tulog ko. Kasalanan talaga ng Snorlax ni Rico 'yon.

Pinalipat sa private room si Arthas dahil maayos naman na raw siya mula pa kaninang madaling-araw. Doktor na mismo ang nakausap namin ni Rico at sinabi ang lagay ni Arthas. Safe naman na raw siya at may malay na, pero kailangan niyang dumaan sa therapy. May ni-recommend na psychologist ang doktor at 'yon ang kailangan naming kausapin bilang recorded guardian ng pasyente.

"Do you really think na tayo ang dapat umasikaso nito?" tanong ko kay Rico habang nilalakad namin ang hallway sa third floor kung nasaan ang ward na pinagdalhan kay Arthas. "Hindi naman sa binabalewala ko si Art, pero kasi, hindi mo naman kailangang i-shoulder lahat, Rico."

"At ano? You'll shoulder everything? Tumigil ka diyan, Jaesie," he sarcastically said to me, not minding the hospital's visitors along the hallway na nakakarinig sa amin. I didn't want to argue with Rico about this, pero buti sana kung ako lang ang umaayos, kaso hindi. Siya. And it wasn't his business at all, sa totoo lang.

Hindi talaga ako sanay sa amoy ng ospital sa pinakaloob-looban kaya umaasa na lang ako sa pag-amoy sa matapang na pabango ni Rico na para akong nasa tubigan. Ayoko kasi talaga ng amoy ng brand ni Sabrina, hindi naman sa pagiging maarte. Kung girly type ako na mahilig sa sweet, provocative smell gaya ni Myles, magugustuhan ko talaga ang brand niya.

Dalawang pasilyo rin ang nilikuan namin ni Rico bago namin nakita ang ward kung nasaan si Arthas. Apat ang kamang nasa loob niyon. Green curtain lang na sobrang kapal ang nagsisilbing divider ng bawat isa. Eksaktong nasa unahan ng pintuan si Arthas, katapat ng isang blangkong hospital bed pero mukhang may pasyenteng gumagamit n'on.

Naabutan namin si Myles na iba na ang suot. Simpleng light blue halter-top blouse at white slacks, iba sa damit niya noong dumating siya kahapon. May hawak-hawak siyang puting towel at natigilan sa pagpiga n'on sa maliit na metal basin na gaya ng ginagamit ng mga doktor sa ER kahapon.

Napatingin ako kay Arthas na nakadilat na pero nakatulala. May kung anong bumangga sa dibdib ko at iniwan ang lahat ng bigat sa loob pagkatingin ko sa namumutla niyang mukha. Napahugot ako ng hininga at nailipat ang tingin kay Myles na masama ang tingin sa akin.

"May pupuntang doktor dito mamaya. Nagpa-schedule na kami ng appointment kay Doctor Larosa para sa therapy ni Art," mabigat na balita ko kay Myles, umaasang mauunawan din ni Art ang sinabi ko kung nasa tamang huwisyo na siya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now