28. Mr. Right

3.4K 210 28
                                    

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


WHEN RICO said he would be in this place at this exact time, you wouldn't be disappointed with his words dahil naroon na agad siya sa lugar at oras na 'yon bago ka pa man mag-init sa upuan mo. He's punctual, which was a positive note for me dahil ayoko talagang nako-compromise ang schedule ko dahil lang paimportante ang ka-meeting ko.

Four in the afternoon, nasa Purple Plate na si Rico. Nasa counter ako at nagtse-check ng inventory na hiningi ko kay Shiela nang makarating siya.

"Good afternoon, Mr. Dardenne!" pagbati ng mga crew and staff ng Purple Plate sa soon-to-be husband ko, which hindi ko pa nararamdaman nang sobra dahil malamang na hindi ito ang unang beses na may ipinakilala akong soon-to-be husband sa lahat.

And it was really weird na never akong nagkaroon ng boyfriend pero nagkaroon ako ng maraming almost at ex-fiancé. Ang dami kasing nag-propose na tinanggap ko rin naman.

Rico wore a blue coat and tie. He looked like he attended a business meeting with his slicked-back, caramel-dyed hair. I hate to admit it, but Rico's smile is really a charm.

"Hello, Mr. Dardenne!" Melanie greeted him with her jolly voice. Siya na nga ang humatak sa akin mula sa counter para maharap ang lalaking pakakasalan ko na soon.

"Hi, Melanie," simpleng pagbati rin ni Rico at kinindatan lang ako na ikinataas lang ng kanang dulo ng labi ko.

"Ay, wala kang flowers?"

Magkasabay pa kaming tumingin ni Rico kay Melanie dahil tama nga si Mel; walang kahit anong dala si Rico this time. Well, since we got "engaged" doon sa Batangas, hindi na siya nakapagdala ng kahit ano sa akin mula nang makabalik kami sa Manila. For me, it wasn't a big deal, pero kay Melanie, oo. Sila nga ang nagbibilang ng effort ng ibang lalaki sa akin kahit hindi ko naman ginagawa. Kabisado ni Mel kapag may bigay na flowers, or chocolates, or plushies sa akin. Kahit nga brand ng kotseng nagsusundo sa akin sa Purple Plate, natatandaan niya.

"Uhm, do you want flowers?" tanong sa akin ni Rico at napasulyap siya sa kanang braso ko na yakap-yakap ni Melanie—parang ayaw akong ibigay sa kanya. Pag-angat niya ng mata, binigyan ko na lang siya ng tingin na nagsasabing "Mukha bang kailangan ko ng flowers?"

"Si Arthas, palaging nagbibigay ng flowers," parinig ni Melanie na iwas ang tingin kay Rico. "Share ko lang."

"Sorry about that," Rico apologized. Ako na sana ang magso-sorry sa inaasal ng kaibigan ko sa kanya pero naagaw ng tingin ko ang kinuha niya sa loob ng suot niyang blue coat. "This is all I can give for now."

Akma ko na sanang kukunin ang black envelope na inaabot niya pero naunahan na ako ni Melanie. Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa—nagugulat dahil hindi ko alam kung magso-sorry ba ako kay Rico o sisinghalan si Melanie.

"Ano 'to?" tanong ni Mel habang angkla-angkla ang kaliwang braso niya sa kanang braso ko. Siya na ang nagbasa ng labas ng envelope for me. "Bank mail? Para saan?"

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя