23: Wounded Armor

3.9K 236 115
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"SA TINGIN ko, hindi kayo bagay," walang paligoy-ligoy na sinabi ni Myles na hindi ko alam kung sino ba ang pinatutungkulan—kung ako ba o si Rico.

Kumakain kami ng breakfast at magkakasama na naman kami nina Arthas sa isang cottage na katapat ang beach at isang liko lang sa hotel kung nasaan kami, at sagot lahat ni Rico.

Light green maxi-dress ang suot ni Myles at naka-flanel at shorts naman si Arthas na katabi niya. Si Rico, white folded long sleeves at khaki shorts naman. Ako lang ang naiilang kasi nagmukhang crop top ang T-shirt ni Myles sa akin. Long skirt lang niya ang nagkasya sa akin pang-ibaba.

The beach was captivating sa ganito kagandang umaga na wala halos ulap. Ang lamig ng simoy ng hangin at amoy na amoy ang dagat. Nakakagaan sana ng mood . . . pero si Myles?

"Jaesie loves like a man. Everything is just a game for her. If you can't satisfy her, iiwan ka lang niya sa ere nang hindi mo namamalayan. She doesn't stick to things na hindi naman siya magiging happy."

Myles could explain myself more than I could, and I'm not sure if she was insulting me in front of Rico or sinasabi lang niya rito kung ano ba ang kahaharapin nito dahil sa akin since I saw no lie in her words.

"Hindi niya sasabihin sa 'yo ang gusto niya dahil ang gusto niya, alamin mo 'yon para sa sarili mo. Sometimes, she's doing that 'makuha ka sa isang tingin' gestures. If you can't feel that deadly glare of hers kahit pa nasa kabilang panig ka ng mundo, you should start to think twice about having her in your life."

Talo pa ni Myles ang alarm clock kapag nagsimula na siyang magsalita. Alam ko, maingay talaga at matutulig ang kahit na sino—maliban sa idea na kailangan mo siyang patayin para lang tumahimik ang paligid. Iyan siya at sanay na kaming lahat na kakilala niya.

"Kinder pa lang kami, kasama ko na 'yang tumatakas after class para lang bumili ng paper doll sa talipapa," pagpapatuloy ni Myles. "Dardenne ka, right? E di, mayaman ka. Si Jae, hindi 'yan galing sa bonggang pamilya. Nasa middle class lang sila, baka hindi pa niya nasasabi sa 'yo. Sana hindi ka mag-expect nang mataas—a, mali. Sana hindi mag-expect nang mataas ang family mo sa kanya. Kilala ko kapatid mo. Bruha 'yon. Allergic 'yon sa hindi niya kauri."

"Myles," pag-awat ko na.

Ako naman ang tiningnan ni Myles para magtanong.

"Bestie, dapat alam mo ang pinapasok mo. Hindi lang siya kung sino lang. May bahay na ba siya para sa inyong dalawa? Saan n'yo balak ikasal? Sigurado bang matutuloy ang kasal n'yo? Ready na ba siya kapag iniwan mo rin siya?"

"Myles, please," sabay na tawag namin sa kanya ni Arthas para pigilan siya sa pagsasalita.

"Why? Concerned lang ako!" katwiran niya sa amin. "Ganito rin naman ang ginawa natin kay Clark and the others, right?"

"Kaya nga nagbago ang isip ni Clark and those 'others' dahil din sa 'yo, e," mahinang sinabi ni Arthas na narinig naman naming lahat.

"Kung talagang seryoso sila, bakit magbabago ang isip nila?" naiiritang tanong ni Myles na may katwiran naman talaga. "If they really love Jaesie, kahit pa batuhin ko sila ng sanlibong sibat, hindi sila magpapatinag! Seryoso ka pala, bakit mo iiwan best friend ko sa ere?" Inilipat niya ang tingin sa akin. "Tama naman ako, Bestie, di ba?"

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon