46. She's the Boss

3.7K 201 44
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


I ASKED Rico kung bakit Sunday lang ang inilaan niyang honeymoon day namin imbes na isang buong linggong off. Hindi naman sa gusto kong ubusin ang isang buong linggo ko kasama siya, pero sobrang bilis talaga ng isang araw lalo pa't Linggo kami ikinasal kuno imbes na Sabado.

"Magse-service ako ngayon sa Purple Plate," sabi niya habang nag-aalmusal kami kahit hindi pa sumisikat ang araw.

"Really?" I said in a high-pitched tone. "Whole day?"

"Yes, ma'am."

"Wah! Oh my God! Go!"

Five in the morning, gising na, nakapag-asikaso na, at kumakain na kami ni Rico ng breakfast. Of course, we needed to work our asses off. Kami ang boss kaya hindi kami dapat paupo-upo lang.

Busy kaming pareho, at iniisip ko ngang dapat nagsasawa na kami sa mukha ng isa't isa, pero halos buong araw kaming hindi magkasama mula nang simulan namin ang kontrata tungkol sa setup namin at sa investment niya. Madalas siyang nasa labas, ako naman sa Purple Plate. Ngayon lang siya nag-offer na magse-service whole day sa café ko kahit na before, nakapag-assist na siya sa akin.

"Bakit mo pala naisipan?" tanong ko habang ninanamnam ang gawa niyang montecristo sandwich.

Saglit siyang humigop ng kape bago ako sinagot. "Malapit nang matapos ang construction sa Cebu. Kailangan kong gumawa ng routine ng mga staff."

"Ang bilis!" hiyaw ko at napataas ang magkabilang kilay. "Patapos na agad?"

"By June, yes. Pinamamadali ko rin since hindi naman ganoon ka-intricate ang exterior. Saka gusto kong tapatan 'tong Pasay branch mo."

Natagalan ako sa pagkakakagat sa sandwich ko habang nakangiti sa kanya.

Kapag seryoso sa trabaho si Rico, ang sarap talaga niyang titigan maghapon.

"Ilang araw kang magse-service sa akin?" tanong ko.

"Ten days. I called Melanie last night para i-assist ako, and tomorrow I'll talk to Shiela."

Si Melanie ang humahawak at nagma-manage sa kitchen at sa events calendar ng Purple Plate. Si Shiela naman sa inventory and accounting. Management, inventory, and human resources na ang part ko.

"Hindi ka compensated dito," sabi ko habang nakangiti. "Wala akong ipapasuweldo sa 'yo, wala kaming hiring."

"It's fine. Cake lang ni Melanie saka kiss mo, paid na 'ko."

Saglit akong ngumiwi sabay tawa nang mahina. Kahit din naman ako, cake lang ni Melanie ang pinakabayad ko sa sarili kong café. Kahit din naman boss ako ng Purple Plate, hindi ako nakakakupit sa sarili kong pinaghirapan. Pera 'yon ng café, hindi ko pera 'yon bilang si Jaesie Rosenthal.

"Magdo-double pay pala ako kay Melanie, day off niya dapat ngayon. Monday, e," sabi ko.

"Mag-o-OJT na lang ako para paid ang café," alok pa niya habang inuubos ang almusal niya sa plato.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن