2. The Gambler

6.6K 286 66
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SIMULA NA ng April, and I know, busy si Myles sa summer collection niya. Normal na lang para sa amin ang ganito kung tutuusin. Kapag may problema si Arthas, sa akin siya tumatakbo. Ganoon din si Myles sa akin. Ako ang counsel nila slash referee para hindi sila maghiwalay. I asked for it, and it felt like it was my responsibility to keep everything in place.

I love Arthas, still. He's my first love. Siya ang unang lalaking iniyakan ko. Sa kanya ko unang naramdaman na talagang nagmahal nga ako nang sobra. Sa kanya lang ako nagpakatanga. At hanggang ngayon, ongoing pa rin ang katangahan ko para sa kanya.

I should be happy kasi may conflict na naman sila ni Myles. Sobrang linaw ng opportunity doon . . . pero hindi ko sinasamantala. May satisfaction sa akin deep inside every time na nakikita kong frustrated siya. Iniisip kong masama siguro akong tao para isipin 'yon. Ewan ko ba? Ayoko siyang nakikitang nasasaktan, pero kapag si Myles ang nananakit, masaya ako. Parang gusto ko siyang maturuan ng leksiyon gamit ang best friend ko.

Mahal na ni Myles si Arthas, at alam na alam kong hindi makaka-survive nang one week ang best friend ko nang wala ang first love ko. Para ngang na-whammy ako noong inamin ni Myles na mahal na niya si Art.

Para bang sa loob-loob ko, sinasabi ko sa kanyang, "Sabi mo, hindi mo siya gusto? Sabi mo, hindi mo siya type? Pero bakit ganito? Ano 'to?"

Pakiramdam ko, trinaydor ako at that time. Kasi hindi naman ito ang inaasahan kong mangyari. But it was too late for regrets. I've already lost my chance. And what was sadder than losing my chance? Kung ngayon ako pipiliin ni Arthas, hindi ko na rin siya matatanggap. Kasi paniguradong magse-self-harm si Myles kapag ginawa ko 'yon. Na parang sa puntong 'yon, ako na ang mang-aagaw, hindi ang minsang inagawan.

I tried to flirt after Arthas. I mean, why not? Siguro naman, deserve kong makahanap ng ibang lalaki para maging masaya naman ako sa buhay. But sad to say, para lang silang hanging dumaan sa buhay ko. You see, you can't have that love you're looking for if you're still into that man who once broke your heart.

Kasi sa dami ng lalaking dumaan sa buhay ko, hindi pa rin nawawala si Arthas. Lagi pa rin siyang nasa listahan ko ng consideration. Wala pang nakatatapat sa kanya. Nag-Tinder na ako, nag-Bumble, nag-Omegle. Wala akong naka-match sa mga 'yon na nagtagal.

Maybe si Patrick? Two years din kaming engaged, isinabay ko talaga sa proposal ni Arthas sa best friend ko. Ayokong maramdaman na napag-iwanan nila ako. Gusto kong tapatan. But Patrick is a complete mess. He's . . . he's not that hard to like, but he's easy to forget. Bad news, he's a womanizer. And when I had a chance, I finally called off our engagement because of that, and I lived my life peacefully after.

After Patrick, sumubok ang friend niyang si Clark. Clark is really nice, to be honest, and problema nga lang, pareho lang kasi sila! And Clark is worse than being a womanizer! Dumistansiya talaga ako sa kanya. Deserved niya naman 'yon.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now