32. Argument of the Day

3.4K 195 31
                                    

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.


UNANG KILALA ko pa lang kay Rico, alam ko nang may pagka-antipatiko siya. He mocked me kahit noong introduction pa lang sa akin bilang fiancée ni Patrick. Even after that, lalo pa niyang pinanindigan ang pagiging opinionated niya, and what was worse? He always wanted to win every argument we had.

He was insisting on his version of the truth about why I let Arthas be with Myles. Nakailang depensa ako pero pinipilit niyang nagsisinungaling lang ako sa sarili ko. Tapos sasabihin niyang hindi naman daw niya kailangan ng kasinungalingan ko dahil, above all else, sarili ko lang ang niloloko ko at hindi siya.

And it was already seven in the morning at nakarating na kami sa Purple Plate pero ayaw pa rin niyang tantanan ang linya niya.

Of course, hindi niya titigilan. We were supposed to take Myles back!

And he didn't want Myles back! That was the point.

"Kung sakaling hindi sila magkabalikan, ano'ng gagawin mo?" tanong ni Rico habang sinisimsim niya ang kapeng gawa ng isa sa mga barista ko. Melanie wasn't around dahil sobrang aga pa at hindi pa weekend. Wala tuloy siyang special treatment sa kaibigan ko this morning.

"I let them, of course. Ano bang tanong 'yan, Rico?" naiiritang sagot ko dahil kanina pa talaga mainit ang ulo ko dahil sa kanya.

At ang ikinaiinis ko kay Rico, kapag naiirita ako, hindi niya sinasalubong ang init ng ulo ko sa paraang alam niyang magwo-walkout ako sa kanya. Didistansya muna siya for me to breathe para hindi magtama ang galit naming dalawa sa isa't isa, saka siya babalik para sa round two ng argument namin.

Or he would mock me until he satisfied himself with my stupid decisions. And he was doing the latter. Kung makangiti, kahit pa maganda ang smile niya, naiirita pa rin ako sa dahilan.

"Hindi ka ba nakokonsiyensiya na yung lalaking minahal mo, sinasaktan lang ng best friend mo?" pang-asar na naman niya.

"Rico, kanina ka pa. Naiinis na 'ko."

"You should be," matulin niyang tugon. "Because it's a matter of keeping the headache in and keeping it out! This is your chance to get rid of the nuisance, right? Masokista ka rin, 'no? Gusto mong laging nasasaktan."

Lalo akong napangiwi sa kanya. "Alam kong may sama ka ng loob kay Myles, hmm? Pero—"

"Jaesie, kung may isang toxic sa buhay ko, I won't let them get close to me for a very long time. Kita mo sina Daddy."

"Ibang level ang toxicity ng family mo, Rico."

"Ditto! Kaya nga we're here arguing about your best friend because I don't want them in my life."

"So, you don't want Myles in your life?" I retorted, judging him while crossing my arms.

"Siya ba ang pakakasalan ko?"

"Then what about your parents? Ayoko rin kasi sa kanila." Lumapit pa ako sa kanya para hamunin siya sa sinasabi niya. "Yung family mo ba, parang sa mga telenovela na magha-hire ng private investigator para paimbestigahan ka?"

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz