30. The Weirdo

3.2K 215 21
                                    

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


HINDI NAMAN sa nagpapaka-overacting, pero talagang ang sama ng timpla ko sa sinabi ni Rico. And thankful ako na nasa condo ako nang magkasamaan kami ng loob dahil sa sinabi niya. Siya na ang nagkusang lumayas nang sabihin kong lumayas siya.

He wasn't the type who would beg for forgiveness habang mainit ang ulo ko. Sa daming beses na naming nagkasamaan ng loob, especially nitong mga nakaraang araw, hahayaan niya muna akong magalit at hindi niya ako susuyuin. And he told me na saka na niya ako susuyuin kapag bumaba na ang inis ko kasi magsasalubong ang init ng ulo naming dalawa.

And according to him, he wasn't sorry about him calling me a toy—like what his father said the last time we talked. Kaya lalo lang akong nainis. Pinanindigan kasi niya. I couldn't believe he was a dick.

Pero ang nakakainis pa, ako itong nakokonsiyensiya.

At bakit ako ang makokonsiyensiya, e siya nga itong tinawag akong laruan?

At eleven in the evening, I received a good night from Rico in Telegram, at talagang hindi siya nag-apologize sa sinabi niya. Napakatigas din talaga kahit sinabi kong mag-sorry siya kanina bago siya umalis sa bahay ko. Sabi lang niya, kakausapin lang niya ako kapag hindi na ako galit. E, paano mawawala ang galit ko sa kanya, napaka-antipatiko niya?

I didn't send him any replies. Ayokong kausapin siya. And before I put down my phone, I received a random good night from Clark on my Viber account. Kahit tuloy matagal nang hindi kami nagkakausap, siya tuloy ang napag-initan ko.

Jae: Bakit ba ugali n'yong magbabarkada ang pagtripan ako?

At mukhang naramdaman yatang mainit ang ulo ko kaya napatawag—at sinagot ko naman.

"Huy, Jae! 'Nyare?" bungad na bungad niya pagkasagot ko sa call.

"Magkakaugali kayo, 'no?" naiinis kong bungad, wala nang hi-hello.

"Ngayon na lang kita nakausap, alam kong wala akong kasalanan, Jaesie, ha. Kung sino man 'yang animal na 'yan, for sure, hindi ako ang may kasalanan niyan."

I rolled my eyes and stared at the blank and dim ceiling above me. I really hate this feeling of being offended by someone . . . ugh! I don't know what to call Rico this time!

"Si Patrick na naman ba?" tanong ni Clark dahil hindi ako sumagot.

"You're close with Rico Dardenne, right?" I asked him, irritated, as I remembered Rico's label on me a few hours ago.

"Barkada kami, of course! Why? Nililigawan ka na ba?"

Another eye roll from me, and my sigh matched the level of my irritation about the guy we were talking about.

Hindi ba nagkukuwento si Rico sa kanila? Ikakasal na kami next Saturday, wala pa rin ba silang alam?

"Hindi niya ako nililigawan," pagpapatotoo ko dahil hindi naman talaga nanligaw si Rico ever since I knew him. One day he was my investor. The next day, fiancé ko na siya. And a few days from now, magiging asawa ko na siya—kung papayag ako.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя