34. Skeletons in His Closet

3.2K 197 31
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MYLES IS my childhood best friend. Arthas is my high school sweetheart. As I recalled my memories, they were the best of both worlds of my past.

Arthas took up architecture at the same state university where I spent my entrepreneurial days. Of course, nagkikita kami palagi kasama si Mel sa Laguna. Kapag nagmi-meet ang schedule o kapag canceled class, madalas kaming magkasama. But he was only exclusive in my university dimension. When I got home, that was when I spent my hours with Myles. Graduate na kami at may career na nang magkakilala silang dalawa because of me. Feeling ko kasi, time na para mag-meet ang dalawang special na tao sa buhay ko.

Hindi ko naman itatanggi na sumamâ ang loob ko nang biglang isang araw, ang lalaking akala ko, para sa akin na, biglang malalaman kong may gusto pala sa kaibigan ko. Ilang taon ko ring dinamdam 'yon. Pero ngayon?

"Huy, Rico." Sinalubong ko si Rico paglabas niya ng fashion center na may dala-dala nang malaking flat box. Malamang na lalagyan ng binili niyang gown.

"I hope you'll like it," kaswal niyang sinabi. "Wala ka namang choice, nabili ko na." Then he flashed his toothy smile na biglang nagpatahan sa puso kong kanina pa nilalamon ng kaba.

"Kung puwede lang mag-blouse, magba-blouse ako," sabi ko na lang para hindi siya mangambang baka hindi ko magustuhan. May tiwala naman akong maganda ang napili niyang damit lalo pa't gawa ni Myles.

"Pakibukas naman ng pinto ng kotse sa likod. Thank you," pakiusap niya.

Nakailang hakbang si Rico para tumapat sa backseat ng kotse niya. Pero bago ko siya tulungang buksan 'yon, nilingon muna niya si Arthas na hindi na inabala ang sariling bumaba ng sasakyan. Nanatili lang 'yong balisa sa loob.

"Kausapin ko kaya si Myles?" tanong ko kay Rico. Nang tagpuin niya ang nag-aalalang tingin ko, napansin kong hindi siya pabor sa plano ko.

"Jaesie, I know you're their friend, pero issue nila 'to."

"Lagi kong inaayos ang issue nila, Rico. Hindi na bago 'to," paliwanag ko at saka binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

"Narinig mo ang sinabi ng best friend mo?" tanong niya habang inilalapag ang box sa backseat. "His man confessed his love when he was asleep. No man will lie while they're in the middle of their dream, Jaesie."

"Hindi ka ba threatened dahil sa sinabi ni Myles? Arthas loves me."

Biglang natawa nang mahina si Rico. Pagderetso niya ng tayo at pagsara ng pinto ng sasakyan, saka niya inilapit ang mukha niya para ipantay sa mukha ko. Ang aliwalas ng mukha niya habang nakangiti sa akin. Nakatitig lang siya sa mga mata kong kanina pa aligaga sa paligid.

"He loves you? Then, I love you more. And compared to him, may plano akong pakasalan ka. May plano akong makasama ka habambuhay nang hindi ka pinaaasa kung ano ba talaga tayong dalawa. After next Saturday, asawa na kita. And after that Saturday, pakakasalan pa ulit kita. Kung kinakailangang pakasalan kita taon-taon para lang hindi ka magduda kung mahal ba talaga kita, bakit hindi? Hindi ako nate-threaten sa mga lalaking puro lang salita, Jaesie."

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now