69. Lucky Charm

3.4K 206 11
                                    

That day, when Rico's mother went to Purple Plate, akala ko, doon na nagtapos ang problema ko sa mundo. She even asked me to call her Mum.

Good news, I could call her Mum. And bad news, I couldn't call her Mum without adding Malevolent before that. So, I must say . . . the struggle was freaking real. Lalo na, a-attend siya sa summit kasama si Arrogant Dad.

Naghabol talaga kami ng trabaho kaya napapailing na lang ako kasi Business Summit na. At naalala ko na naman ang last year's experience ko na talagang haggard ako.

Sa sobrang haggard ko that time, kinalimutan ko na lang halos lahat ng nangyari kasi ayoko na talagang maalala kung paano ako naging aligagang pusa na paikot-ikot sa dating venue sa PSE Building sa Makati. I established my coffee shop two years ago because of my heartache. Mga panahong gusto ko na lang mag-move on after ng breakup namin ni Pat.

I really put my passion into my business, na I think isa rin sa naging malaking factor kaya hindi ko naaasikaso ang love life ko nang mabuti. Gusto ko kasing makalimutan ang letseng feelings na sobrang distracting sa work.

After Purple Plate happened, temporary lang sa akin ang lahat kasi hindi naiintindihan ng mga lalaking dumaan sa akin within that year na kailangan kong magtrabaho bilang Purple Plate owner. Tama kasi talaga sila. Mas mahal ko ang café ko kaysa sa kahit kaninuman kasi noong broken ako, coffee shop ko lang ang naging sandigan ko.

Even Patrick na muntik ko nang pakasalan, I thought he'd understand my priorities even before our original plan since Mel wanted a bakery. He just let me do what I wanted to do, and then I let him do the same. Kaya siguro hindi nag-work kasi hinayaan namin ang isa't isa na gawin ang mga gusto namin nang magkahiwalay. And if we could survive without each other, then it was better off without 'us'.

Naabutan ko ang stall namin na busy.

"I asked the other staff if puwede silang mag-assist. They said, mag-a-assign daw sila ng tao rito later after mag-start ng ceremony," Rico said while informing Melanie dahil talagang kukulangin kami ng tao kapag nag-serve na. Ayokong dalhin ang buong staff ko sa ceremony kasi bukas pa rin ang Purple Plate today at 6 p.m. pa lang. Malamang na naglilinis pa sila.

"Hey!" I casually greeted them as I scanned the stall of Purple Plate.

"Hello, Miss Rosenthal!" Rico greeted me in his jolly tone. He rested his palm on my back and kissed me on the forehead. "You look dashing tonight."

Kararating ko lang at hindi kami nagsabay ni Rico sa pagpunta. Nauna na kasi siya, and he wore a red dress shirt na ipinares sa black suit and tie and slacks. And since he's Rico Dardenne, for freaking sake, his clothes are his body's extension. And to say he looked so handsome and attractive is an understatement.

"Ang hilig n'yong mag-couple outfit!" bati ni Melanie nang makitang black and red ang motif namin ni Rico. I giggled at that. As always. Rico loved wearing something that would pair with my clothes.

Well, Mel looked really pretty tonight. Naka-white floral blouse siya na tie neck at cap sleeves. White din ang palazzo pants niya na pinaikutan ng black ribbon belt. Halos pantayan ko na ang taas ni Rico dahil sa pumps na suot ko kaya nararamdaman kong lumiit nga talaga si Melanie dahil kitang-kita ko na ang tuktok ng ulo niya kahit may suot na siyang wedge. Hindi makapal ang makeup niya kaya mas na-appreciate ko ang bilugan niyang mata at cute nose.

"Sina Jason?" tanong ko na lang, lima ang pinasama ko rito sa summit compared last time na tatatlo lang kami kaya sakit talaga sa ulo ang kawalan ng tao. Pati ako, naging server para lang sa café ko.

"Bini-brief ng floor managers. Binigyan sila ng guide kung kailan ang serving saka saan ang tables na bibigyan ng service," sagot ni Rico.

"Good," simpleng sagot ko habang pinagmamasdan ang harapan naming tatlo. Puple and white ang motif namin. Purple and white ang curtains sa likod, ang tela sa mahabang mesa na pinagpapatungan ng pastries ni Melanie, violet naman ang pinagpapatungan ng coffee machines, at nakalatag ang mga porcelain mug, cup, at styro cups para sa mga free taste later for the visitors.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ