73. Family Breakfast

4.6K 213 18
                                    

The Business Summit was a memorable event for me this time. Both positive and negative reasons. Naghalo na ang mga reason para bigyan ako ng dahilan para maalala at dahilan para kalimutan na lang.

Alas-dose ng gabi kami nakauwi ni Rico at pareho kaming pagod pagdating sa condo ko. Sa sobrang pagod, paghiga ko sa kama para sumaglit ng idlip, madaling-araw na ako nagising nang maalimpungatan.

"What the f-" Napabangon agad ako nang maalala kong maliligo pa pala ako. Pagtingin ko sa night stand sa kanan, alas-dos y medya na. Pagtingin ko sa kaliwa, si Rico na nakadapa at nakasubsob ang mukha sa unan.

Ang weird talaga matulog ni Rico, buti nakakahinga pa 'to.

Tiningnan ko ang suot ko. Naiwan lang ang corset kong itim saka ang red slacks. Nag-angat ako ng kumot. Si Rico, nakapantulog nang pajama at puting T-shirt.

At hindi talaga niya ako ginising para magbihis?

Nagbukas ako ng zipper para makaderetso sa paghubad bago tumayo. Ang alanganin ng gising ko.

Kahit sobrang aga pa, naligo na ako at nagsuot ng puting buttoned blouse na doble ang laki sa akin at itim na dolphin shorts. Kahit mag-toothbrush, hindi ko na nagawa kagabi, nakakainis.

Sa banyo na ako nag-blow dry ng buhok kaya tuyo na ako paglabas. Nabalikan ko pa si Rico na nakatihaya na pero nakatakip pa rin ng unan ang mukha.

Hindi ako nakakatulog nang patay ang ilaw. Siya, gusto sa dilim. At dahil maliwanag pa rin ang lampshade sa night stand, talagang magtatakip siya ng mukha kung ayaw niya ng ilaw.

Sumampa agad ako sa kama at inalis ang unan na nakapatong sa buong mukha niya. Pwede naman kasing magtalukbong na lang ng kumot, kung ano-ano pa ang ginagawa.

"Hey, Mr. Dardenne," bulong ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Mmm . . ."

Napangiti na lang ako sa response niya. Rico's morning moans and groans were so sexy. Minsan, sinasadya ko na lang na pasagutin siya nang ganoon for my own satisfaction.

Grabe naman kasi ang bedroom voice niya, humahagod sa kaluluwa. It sounded like the voice of a guardian angel and a naughty devil in one.

He was still sleeping. Manly tingnan si Rico kapag naka-suit, sexy nang slight kapag topless (or even naked), pero ang cute niyang titigan kapag tulog. Humiga na lang ako sa tabi niya at itinukod ang kaliwang siko sa unan at sentido sa kamao para lang matitigan siyang mabuti.

Matutulog pa sana ulit ako kahit two hours lang, pero susulitin ko na ang puyat ko, matitigan lang siya. Madalas kasi, siya ang nakatitig sa akin kapag tulog ako.

Ang daming nangyari kagabi, at halos lahat, kagagawan niya. Ilang oras na lang, kailangan na naming umalis para harapin na naman ang parents niya.

Kung noong April, hindi pa ako sigurado sa feelings ko for him . . . ngayon, kaya ko nang sagutin ang lahat.

Pinadaan ko ang hintuturo ko sa slope ng ilong niyang matangos. Sunod ay sa parati kong pinag-iinitang eyelashes niyang malalantik at parang peke sa sobrang kapal. Eye-catching si Rico sa malayuan, sa totoo lang. Huwag lang siyang magsasalita kasi mambabasag at mambabasag talaga siya kapag may chance.

I was sleeping with this man for almost six months. April pa lang, mahal na agad siya ng kama ko. And that was the longest time na katabi ko ang iisang lalaki sa higaan nang wala akong ibang side fling a.k.a. si Arthas.

Hindi ko na rin naman alam kung papayagan ko pa bang makatabi si Arthas. Kasi kung noon, ang tingin ko sa mga fling ko, pinagtataksilan ko si Art; ngayon, kapag pinatulog ko si Art dito, kahit sa sofa lang, feeling ko, pagtataksilan ko si Rico. And I didn't want that.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon