53. Tipsy

3.2K 199 38
                                    

KUNG ANG magiging basis ko ng inis ay ang pustahan nilang magbabarkada, reasonable naman kung talagang ma-bad trip ako sa barkada ni Rico

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KUNG ANG magiging basis ko ng inis ay ang pustahan nilang magbabarkada, reasonable naman kung talagang ma-bad trip ako sa barkada ni Rico. Sino ba naman ang matutuwa kung ginawa kang laruan ng mga lalaki? Parang ang tanga mo na lang kung hindi mo maramdaman 'yon.

Pero ang malamang hindi pa pala 'to tapos? So, naglalaro pa rin silang lahat hanggang ngayon?

"Jaesie." Narinig ko ang boses ni Wynn sa labas ng room namin. Hindi naman ako totally nagmukmok. Sumamâ ang loob ko, at kahit paano, kumalma na rin ako sa inis ko kay Rico. At sana lang talaga, tapusin na niya itong laro nilang hindi na nakakatuwa.

Nagpalit na lang ako ng sarili kong T-shirt at shorts. Hindi ko pa naman hinuhubad ang bikini ko, pero nawalan na ako ng ganang mag-swimming. Higit isang oras din akong wala sa pool area.

"Hi, Wynn!" masayang bati ko sana pero obvious na walang saya sa dulo ng tono ko. Pinataas ko lang ang boses ko, hindi pinasaya.

Narinig ko siyang nagbuntonghininga bago tumabi sa akin. Niyakap niya ako mula sa kaliwang gilid kaya inayos ko ang kaliwang braso ko palibot sa balikat niya. At dahil mas matangkad at mas malaki ako sa kanya, hanggang balikat ko lang siya, tiningala pa niya ako nang magsalita siya.

"May sinabi bang masama si Ronie?" nag-aalala niyang tanong. Obviously, kakalat agad sa kanila na nagtatampo ako kay Rico. Sigawan ko ba naman kanina na buwisit siya.

"Wynn, aware ka bang pinagpupustahan nila ako?"

Napahugot ng hininga si Wynn at sobrang tipid ngumiti. Base sa pagbaba niya ng tingin para makaiwas, alam ko nang alam niya ang tungkol sa pustahan ng Alabang Boys.

"Jae, to tell you honestly, hindi ko alam, pero hindi na ako nagulat." Nagbuntonghininga na naman siya, halatang nahihirapan sa sinasabi niya. "Nature na nila 'yon. They're all douchebags, I know. And I'm sorry kasi gano'n sila. But they're harmless naman."

"Yes, hundred percent. But it's not your fault para mag-sorry ka."

"Sorry din kay Ronie kung napagsasalitaan ka ng masakit." Lalo lang niya akong niyakap nang mahigpit na para bang sobrang sama ng sinabi ng asawa ko sa akin. "Masakit lang magsalita si Ronie, pero mabait naman 'yon."

Gusto kong matawa kay Wynn. Alam kong mabait si Rico pero hindi ako natutuwa sa pustahan nila.

"Wynn, kilala ko naman ang buong barkada nila, pero nakakainis pa rin kasi," sabi ko sabay irap.

"Well, at least, di ba, hindi ka taken ng kahit isa sa kanila?" Kumalas na siya ng yakap at kinuha ang kaliwang kamay ko. "Tara na sa pool! Hinahanap ka na nila. Akala nila, nagtatampo ka."

Sumimangot ako. Hinahanap pala ako, bakit hindi si Rico ang sumundo sa akin?

"Nagluluto pa rin ba si Rico?"

"Tapos na. Pinagtitripan na nga ng barkada niya, e. Ayaw paalisin sa pool."

Gusto ko pa sanang mag-inarte, but Wynn's news made me rush to the pool area para makita kung ano na'ng ginagawa ng barkada ni Rico sa kanya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now