41. The Toy Museum

3.5K 220 22
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I WAS aware of what a toy museum looked like. But Rico's house was a huge showroom. If I were someone like Rico, I might show it to people, but not the kind of people na makati ang kamay.

Hindi ko ide-deny na gusto kong magtakas ng equipment sa kitchen niya as a souvenir, but that would too weird if I did that. Lalo na kung ang plano kong itakas ay ang gas range niya.

Sobrang nakaka-in love ng kitchen ni Rico. Para akong pinapasok sa showroom ng Home Depot.

His first floor was huge. Malaking part ng first floor ang dining hall at kitchen niya. Like he said, investment niya at ng daddy niya ang kitchen. Naintindihan ko naman dahil ang family business nila ay umiikot sa food serving and processing. Half of the mansion's ground floor was his painting gallery at sumilip ako sa receiving area na walang ibang laman kundi mahabang sofa at white grand piano sa sulok bago ang veranda palabas ng backyard.

Sa second floor ako dinala ni Rico, and he really made an investment sa bahay niya sa Ivory Meadows. A part of the second floor was an open library. Dalawang malalaking bookshelf ang nakadikit sa dingding, then may malaking glass table sa dulo. Sa likuran ng table, nakasara ang malaking cream-colored curtain na floor to ceiling ang taas. Sa kabilang gilid, puro na gray metal drawers na gaya ng mga drawer ko sa office. Sabi naman niyang narito ang opisina niya sa Ivory Meadows. Wala naman siyang managerial position, pero may accounting homework. At sa dami ng papers and contracts niya, kakailanganin talaga niya ng file drawers. Maliban doon, may mahabang couch na naman at center table sa gitna ng library. Kung ako siya, kahit doon na lang ako matulog, ayos na.

Dalawang pinto lang ang nakita ko sa hallway pagtapak ko sa marbled floor sa itaas. Sinabi ni Rico na bukas naman daw ang isang pinto sa kanan. Ang isang pinto kasi sa kaliwa, room para sa parents niya at hindi pa niya ginagalaw dahil ayaw niyang ma-stress sa kung ano ang naroon. Naka-lock pa 'yon kaya hindi ko na inabala ang sarili kong silipin. Ayoko rin namang malaman kung ano ang meron doon.

Dumeretso ako sa kuwartong sinabi niya. Ang inisip ko, kuwarto niya pero hindi pala. Kuwarto raw para sa kapatid niya. May mga damit daw na naroon para sa akin kaya hindi ko kailangang mag-alala kung wala akong dala.

At pagtapak ko pa lang sa loob, naramdaman ko agad ang aura ni Sabrina Dardenne na parang naroon talaga siya sa loob kahit wala naman.

The room smelled so provocative and seductive. It smelled like Myles' perfume—that VS Bombshell smell. The air surrounding the whole room was fruity and aromatic. This kind of smell reminded me of those cute Barbie girls na handang-handa nang ipahalik ang leeg nila sa lalaki. Not lips, not cheeks—talagang deretso sa leeg.

Hindi ako fan ng napiling kulay sa interior ng kuwarto kasi naghalo ang white at pink. Hinahanap ko na nga si Hello Kitty, but no kitty face anywhere. Puro lang white and pink laces. Kulay ng baby girl. May bed frame sa queen-size bed na may puting kulambo rin na cover doon sa canopy kahit wala namang natutulog sa loob. Pink at white ang mga unan na nakapatong sa white mattress. Ang furniture at bawat dingding, white and pink din. The ottoman and the round chairs, pulos pink and white. I might like the smell kasi bagay naman sa pink and white. Yung kurtina sa dalawang malalaking bintana, white lang. May glass door para sa balcony kaya malamang na 'yon ang isa sa balcony na hindi ko nakita kanina sa kabilang gilid ng mansiyon ni Rico.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now