48. Oldie Issues

3.3K 198 36
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


RICO IS my unexpected life twist. Tuesday morning, second day niya sa trabaho as a trainee sa Purple Plate.

Yesterday was a good start. He welcomed the customers, he bussed the tables, he served the customers' food—he really knew what he was doing. Nard and I expected to teach him the service until Wednesday, pero sa first day pa lang kasi, nagpabibo na. So, ang gagawin na lang namin ay panoorin siyang ulitin ang ginawa niya kahapon nang wala nang guidance.

And since kaya na niyang mabuhay nang mag-isa niya, I asked Leonard to handle him sa labas habang nasa loob ako ng office at inaayos ang reports ng café. Mas dumami kasi ang customers namin nitong nakaraang April at first week ng May. Kailangan kong i-forecast ang expenses for June and i-recheck ang gross income ng café for April dahil first week next month, kailangan na naming magdagdag ng item sa inventory. Hindi pa dumarating ang order na robusta coffee ni Shiela from Cordillera. Ang sabi, this week na. Hindi ko lang alam ang exact date ng dating sa café.

"Hello, boss!"

Napaangat ako ng tingin nang makita si Rico na kabubukas lang ng pinto ng office ko dala ang isang tray na may lamang isang platitong macaroons at puting tasa. Base sa amoy, mochaccino ang laman n'on.

"Meryenda ka muna."

Kapag nasa office ako, kung hindi si Melanie, mga server ko ang nagdadala sa akin ng meryenda. At mukhang hindi na VIP si Rico dahil siya na ang naghahain sa akin ng pagkain ko rito.

I'm not used to seeing Rico doing a blue-collar job dahil mas bagay siyang maging boss. I mean, not only in physical aspects. Magkasingkatawan nga lang sila ng chef ko rito, pero iba kasi ang confidence na dala niya. It was cultured and naturally flowing. He even say "Duh-buh" for "di ba" and "Purr-o" for "pero" kaya minsan, napagtatawanan siya nina Teddy kapag kumukuha siya ng order sa counter. Anak-mayaman nga raw talaga siya, hindi maikakaila kahit anong pilit niyang magtunog natural.

For me, ayos lang. Sina Patrick din kasi minsan, mas malala pa ang pagkapilipit ng dila sa Tagalog kahit mga taga-Manila naman. Kaso kasi ang mga staff ko sa café, kahit sanay sa mga conyo from Taft saka sa amin na Taglish, mga hindi rin talaga sanay na may co-worker na service crew pero pang-owner ang appeal.

Wala ngang nagkamaling customer sa kanya. Iniisip talaga nilang siya ang may-ari ng café ko. Samantalang ako na owner, "Miss" o kaya "Ate" ang tawag. Kay Rico, "Sir, kayo po ang may-ari dito?"

God. Napaka-unfair talaga. Pero ayos lang, kasi kahapon, naabutan ko si Rico na sumagot ng, "No po, ma'am. Yung wife ko po." Napamura talaga ako nang mahina sabay takip ng mukha. Not sure if dahil sa kilig o dahil sa hiya.

"Sabi ni Teddy, mag-break daw muna ako," sabi ni Rico at saka inilapag isa-isa ang dala niya sa table ko. Saglit siyang tumalikod para ipatong sa center table ang tray na dala niya saka umupo sa upuang nakatabi sa mesa ko, yung madalas tambayan ni Melanie.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now