72. The One

3.6K 211 24
                                    

SINASABI KO sa sarili ko noong bata pa ako na wala akong pakialam kung sino o anong klaseng tao ang lalaking gusto kong makasama sa buhay. Then Arthas came into my life at binago ang lahat sa perspective ko tungkol sa pag-ibig.

Paulit-ulit kong binabalikan ang mga dahilan kung bakit ko nga ba siya minahal, at wala akong ibang maisip kundi dahil naroon siya kapag masaya ako. That was why it felt like my happiness relied on him, at automatic na malungkot ako kapag wala siya every time na dapat masaya ako. Of course, I have my friends, especially Myles. Pero nagbago kasi ang lahat noong humingi na ako ng security and future pagdating sa standard. Sadly, Arthas, being the happy-go-lucky kind of man, didn't have any plans for his future.

At ayoko sa lalaking walang pangarap sa buhay at puro asa lang sa magulang.

I used to compare people para malaman ko kung sino ang sino para sa akin. I mean, hindi naman sa nangongolekta talaga ako ng lalaki sa buhay pero masasabi ko talagang pare-pareho lang sila. Either walang pangarap. Gustong puro laro. Gustong puro capricho. Ayaw magseryoso. Babaero. At kapag boring ka, ipagpapalit ka sa ibang mas enjoying kasama.

Habang hinihintay ko si Arthas na hanapin ang sarili niya, hinanap ko naman ang sarili ko sa pagmamahal ng iba.

Ang hirap ng naghihintay ka sa kanya habang nasa bisig ka ng ibang tao. 'Yong nasa kama ka ng iba, pero iba naman ang may hawak ng puso't isipan mo.

Sabi nga nila, para nga raw akong paruparo na kung saan-saan na lang dumadapo. Hindi ko naman itatanggi.

Noong pinili ni Arthas si Myles, sineryoso niya ang buhay niya. Naghanap siya ng trabaho, nag-ipon na siya para sa kanilang dalawa, may plano na siya sa future nila, and he was doing his best to be the best man for Myles. I witnessed that. I even felt that. I was hurt because of that.

Kaya nga naisip ko na hindi ako ang tamang babae para kay Arthas. Kasi kung ako ang talagang para sa kanya, sana noong college days pa lang namin, sumeryoso na siya. Siguro nga, sumamâ ang loob ko dahil nagawa ni Myles ang hindi ko nagawa noon. Na nagkaganoon si Art because of her. Na kahit ilang beses kong pinilit si Art na gawin ang ganito o ganiyan dahil para din naman sa ikabubuti niya 'yon, hindi niya nagawa, pero dahil kay Myles, ginawa niya.

Yes, that broke me big time. Sa sobrang devastated ko, sinabi ko na lang sa sarili ko na kung hindi niya kayang magkaroon ng pangarap kasama ako, bubuoin ko na lang ang pangarap kong mag-isa. Isinabay ko pa nga sa marriage proposal niya ang pagtanggap kay Patrick para hindi ako lugi. Ang kaso, isa rin si Patrick na hindi nakatagal. Nag-resign ako sa dating trabaho ko as a supervisor sa operations sa textile company.

Doon na pumasok sa eksena si Clark. Nakatulong siya, hindi ko naman aalisin 'yon.

Then, this business plan came kasama si Melanie. Hindi pa naka-sale ang property pero kinuha na namin ang pagtatayuan ng business ko. Pagmamay-ari 'yon ng parents ng ex-fling ko. And since the family was moving to New Zealand, binili ko na. I sold my father's antique collections sa bahay namin sa Laguna kasi ayokong mabulok lang 'yon sa bodega. I got my fair share of the money from those collections na enough para makabili ako ng townhouse na ipina-renovate ko na lang para maging business establishment.

Melanie Vizcarra, my college buddy, is a pastry chef from Laguna na working sa Manila. Galing talaga siya sa family ng mga cook. Her grandmother was the founder of a famous native delicacy sa province. His father owned a famous Filipino restaurant in Calamba, malapit sa bahay ni Rizal. May plano na siyang bakery pero ayaw niyang mag-math kaya inaya niya ako. Kaya nga noong sinabi kong break na kami ni Patrick, siya agad ang una kong hinanap. Nakikain muna ako ng cake niya habang umiiyak saka ko sinabing, "Mel, pautang."

Ang buong akala pa niya, pupunta ako ng Singapore para magbakasyon, 'yon pala iba ang pakay ko.

Kung ang iba, nagpapagupit kapag brokenhearted o kaya nagwawalwal—ako, nagtayo ng café.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon