39. For Better or For Worse

3.2K 212 21
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


WALA AKONG ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahang kumain, nasa waiting area kami ng ospital tapos kagagaling ko pa sa breakdown. Amoy alcohol at gamot sa paligid, may mga umiiyak na bata sa kung saan, hindi kami makaalis kasi yung nurse, paminsan-minsan, may sinasabi tungkol sa pasyente namin.

Sabi ni Rico kanina, hindi ko naman kailangang ubusin, kailangan ko lang lamanan ang tiyan ko para may lakas ako kahit paano. Kaya matapos ang ilang subo, tinakpan ko na ang pagkain ko saka ibinalik sa balot.

"Hindi na 'ko nagulat na iniwan mo ang kasal mo, Jaesie," sabi ni Melanie habang panay ang nguya ng kinakain niyang buko pie. "Pero nagulat ako sa dahilan na hindi 'yon dahil ayaw mo sa mapapangasawa mo."

"Nahihiya nga ako kay Rico," nanghihinang sabi ko, pinaglalaruan ang takip ng mineral water na kuyom-kuyom ko.

"Girl, mahiya ka talaga kay Mr. Dardenne. Halos liparin n'on ang daan kanina, mahabol lang kayo rito sa ospital. Tapos nasaan siya ngayon?" Itinuro niya ang labas ng entrance. "Girl, naroon nakapila sa cashier para magbayad sa gamot ni Arthas! Ano ka na, girl?"

Lalo tuloy akong nakonsiyensiya. Para akong dinidikdik sa kinauupuan ko.

Hindi kargo ni Rico si Arthas—o kahit sa anong responsabilidad pa na involved si Arthas, sa totoo lang. Pero hayun siya at inaasikaso ang lahat dahil walang ibang gagawa n'on ngayon maliban sa akin. Myles wasn't around. He let Melanie take care of me while he took care of my potential stress. Kaya nga lalo akong nahihiya dahil ang stress ko dapat, 'yon ang sinalo niya.

"Sabi ni Mr. Dardenne, natawagan daw niya si Myles," sabi ni Melanie para maputol ang katahimikan namin.

"Office number yata sa Katipunan ang tinawagan niya."

"Katipunan pa rin?" gulat na tanong ni Mel. "Jaesie, ang traffic mula Katipunan papunta rito sa Makati, Diyos ko! Kita mo, papalubog na ang araw! Anong oras pa makakarating 'yon si Myles?"

Nabanggit na rin ni Melanie, pagtingin ko sa labas ng entrance ng ospital, lumalamlam na ang araw. Sa ibabaw ng malaking pintuan, sinasabi ng malaking orasan doon na 5:23 na.

Unconscious pa rin daw si Arthas, sabi ng doktor. May mga IV fluid na kailangang bilhin, iba pa ang gamot na ibinigay ng doktor na babayaran daw muna sa cashier. Tapos ang resibo at reseta, dadalhin sa pharmacy ng ospital para makuha—and that was too much to handle dahil lilibutin talaga ang dalawang building para lang makabili ng gamot. And there was Rico, doing all that instead of whoever was responsible for this problem.

"Grabe the effort talaga ni Mr. Dardenne, Jaesie. Imagine, kasal ninyo sana. Ang kaso, hindi na nga natuloy dahil kay Arthas, inasikaso pa niya."

Gusto ko nang patigilin si Melanie sa pangongonsiyensiya, pero hindi ko na ginawa kasi deserved ko naman talagang masermunan. Kung hindi lang ako nanghihina kanina, ako na lang talaga ang mag-aasikaso ng lahat para kay Arthas.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon