40. Ivory Meadows

3.7K 197 7
                                    

IVORY MEADOWS is a place for rich people, no doubt about that

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IVORY MEADOWS is a place for rich people, no doubt about that. The road was matte-like black asphalt; the sidewalk was surrounded by nicely grown trees; the houses were flamboyantly decorated. I really needed to level up my game to have a house and lot in this place for real. And Rico has his own property in this exclusive village.

Hindi ako nagulat na may bahay siya rito, pero nagulat ako dahil hindi pa ako nakakapasok dito at ito ang makikita ko sa loob. Ang alam ko lang, exclusive for rich people ang subdivision na 'to. Hindi ko naman inaasahang para akong nakapasok sa kakaibang plane of existence na damang-dama kong hindi ako belong. Not because I was a poor kid, but because I could tell how expensive everything was in this village. It felt like I had gone inside a huge retreat community sa sobrang tahimik at serene sa paligid. Para akong nasa Tagaytay sa dami ng pine trees sa bawat kanto paglagpas namin sa green tunnel na ang pinaka-tunnel ay mga dahon ng mga puno sa sidewalk.

Kompara sa ibang village at subdivision, may makikita pa akong sari-sari store o tindahan. Sa Ivory, mini mart lang ang nakita ko near the entrance. Then along the way, puro na private properties at malalaking bahay.

Ivory Tower ang nasa dulo ng Ivory Meadows. I thought doon siya nakatira dahil binabanggit niya minsan ang Ivory Tower, pero literal na katabi lang ng tower ang bahay niya at malaking lote lang ang pagitan na sakop ng tower.

And his house in Ivory, compared to his house in P. Rod, mas naramdaman kong sobrang yaman ni Rico talaga.

Sa bahay niya kasi sa P. Rod, townhouse lang. Sa Ivory Meadows, mansiyon na. Ayoko sanang mag-overact pero ang laki kasi talaga. Sa malayo pa lang, kasinsukat na ng apat na pinagtabi-tabing café ko ang lawak. E, ang laki na nga ng Purple Plate para sa isang business establishment.

Wala raw siyang maids na naka-stay sa bahay kaya sinabi niyang ako ang mag-drive pagkabukas niya ng gate.

I slowly drove his Subaru as he opened the huge wooden gate with a black iron frame. The fence around his house was almost two stories high and covered with lively green ferns.

"Jae, you can leave the car here," he said loudly as he closed the gate of his oh-so-huge house.

I peered into the car's windshield to see the mansion clearly. It was covered in cream paint and had gold leaf on every pillar. Three stories might be a lower number, but the whole structure could equate to more than four floors, less than five. The ceilings were probably high.

Every balcony caught my attention. The front view got three. I saw two on the left. Walang ilaw sa loob, so wala nga sigurong tao roon. I turned the car's engine off bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko talaga maiwasang libutin ng tingin ang buong paligid habang nakaawang ang bibig.

May pool sa right side, and may swing sa malayong dulo. Pagpaling ko sa kaliwa, hilera naman ng pine trees sa buong bakod.

"Come on," aya ni Rico at hinawakan ako sa likod para i-guide papasok sa kaharian niya.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Where stories live. Discover now